
BalitangSanggunian || 𝐒𝐀𝐍𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐋𝐔𝐍𝐆𝐒𝐎𝐃 𝐍𝐆 𝐏𝐔𝐄𝐑𝐓𝐎 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐂𝐄𝐒𝐀, 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐅𝐈𝐍𝐀𝐋𝐈𝐒𝐓 𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟓 𝐋𝐎𝐂𝐀𝐋 𝐋𝐄𝐆𝐈𝐒𝐋𝐀𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃
Kinilala bilang National Finalist – Highly Urbanized Cities Category sa 2025 Local Legislative Award ang Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa sa ilalim ng ika-17 Sangguniang Panlungsod na pinamunuan ni dating Bise Mayor Maria Nancy M. Socrates.
Pagkilala ang parangal sa malaking ambag nito sa pamamagitan ng pagsasabatas at pagpasa ng mga resolusyon upang makamit ang minimithing pag-unlad at pag-angat sa larangan ng socio-economic at environmental management outcome.
Tinanggap ang parangal nina Konsehal Elgin Robert Damasco, Konsehal Gerry Abad at Konsehal Matthew Mendoza sa ginanap na 2026 Philippine Councilors League National Congress sa World Trade Center sa Pasay City noong Marso 5.
Samantala, ipinaabot ni Bise Mayor Peter Q. Maristela ang kanyang pagbati sa mga miyembro ng ika-17 Sangguniang Panlungsod at sa mga kawani ng Sangguniang Panlungsod Secretariat, at sinabi na magsisilbing inspirasyon ang naturang pagkilala upang lalo pang pagbutihin ang paghahatid ng serbisyo para sa kapakanan ng Puerto Princesans.
#SangguniangPanlungsod #PuertoPrincesaCity
