

















































































































#𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐞𝐬𝐢𝐛𝐨𝐧𝐠𝐏𝐮𝐞𝐫𝐭𝐨𝐏𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞𝐬𝐚 || 𝐌𝐀𝐇𝐈𝐆𝐈𝐓 ₱𝟏𝟓𝟒.𝟒 𝐌 𝐍𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐘𝐄𝐊𝐓𝐎, 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐒𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀𝐍 𝐀𝐓 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐒𝐈𝐍𝐀𝐘𝐀𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐈𝐁𝐀’𝐓 𝐈𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐋𝐔𝐍𝐆𝐒𝐎𝐃
Pormal nang inilunsad at pinasinayaan ang kabuuang 14 na proyekto na nagkakahalaga ng ₱𝟏𝟓𝟒,𝟒𝟑𝟕,𝟔𝟗𝟔.𝟖𝟎 sa iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Puerto Princesa nitong Abril 23, 2026, sa pangunguna ng pamahalaang panlungsod sa pamamagitan ng City Engineering Department.
Sa nasabing bilang, 11 proyekto ang sumailalim sa groundbreaking na may kabuuang halagang ₱130.8 milyon, habang 3 naman ang pinasinayaan na nagkakahalaga ng ₱23.6 milyon. Kabilang sa mga pangunahing proyekto ang konstruksiyon ng mga Standard Day Care Centers, concreting at rehabilitasyon ng mga kalsada, slope protection, drainage systems, covered court, at pagpapabuti ng mga pasilidad tulad ng city slaughterhouse at public market.
Ilan sa mga pangunahing proyekto ay ang mga sumusunod:
- 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐭𝐫𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐒𝐭𝐚𝐧𝐝𝐚𝐫𝐝 𝐃𝐚𝐲 𝐂𝐚𝐫𝐞 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 𝐚𝐭 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐋𝐚𝐧𝐠𝐨𝐠𝐚𝐧 – ₱𝟓,𝟕𝟐𝟑,𝟔𝟗𝟔.𝟔𝟏
- 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐭𝐫𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐒𝐥𝐨𝐩𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐭𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐟𝐨𝐫 𝐌𝐚𝐨𝐲𝐨𝐧 𝐀𝐜𝐜𝐞𝐬𝐬 𝐑𝐨𝐚𝐝 – ₱𝟏𝟒,𝟎𝟕𝟓,𝟖𝟕𝟗.𝟖𝟎
- 𝐂𝐨𝐧𝐜𝐫𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟 𝐂𝐢𝐫𝐜𝐮𝐦𝐟𝐞𝐫𝐞𝐧𝐭𝐢𝐚𝐥 𝐑𝐨𝐚𝐝 (𝐏𝐮𝐫𝐨𝐤 𝐌𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚 𝐭𝐨 𝐌𝐞𝐥𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐑𝐢𝐯𝐞𝐫) – ₱𝟏𝟐,𝟐𝟒𝟕,𝟔𝟑𝟒.𝟕𝟓
- 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐭𝐫𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐒𝐭𝐚𝐧𝐝𝐚𝐫𝐝 𝐃𝐚𝐲 𝐂𝐚𝐫𝐞 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 (𝐁𝐚𝐡𝐢𝐥𝐞) – ₱𝟔,𝟎𝟓𝟎,𝟏𝟑𝟗.𝟗𝟔
- 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐭𝐫𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐒𝐭𝐚𝐧𝐝𝐚𝐫𝐝 𝐃𝐚𝐲 𝐂𝐚𝐫𝐞 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 (𝐒𝐚𝐥𝐯𝐚𝐜𝐢𝐨𝐧) – ₱𝟓,𝟖𝟐𝟓,𝟖𝟏𝟏.𝟎𝟑
- 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐭𝐫𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐒𝐭𝐚𝐧𝐝𝐚𝐫𝐝 𝐃𝐚𝐲 𝐂𝐚𝐫𝐞 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 𝐚𝐭 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐒𝐭𝐚. 𝐋𝐨𝐮𝐫𝐝𝐞𝐬 – ₱𝟔,𝟐𝟒𝟕,𝟒𝟔𝟖.𝟒𝟓
- 𝐂𝐨𝐧𝐜𝐫𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟 𝐌𝐚𝐢𝐧 𝐂𝐢𝐫𝐜𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐑𝐨𝐚𝐝, 𝐒𝐭𝐚. 𝐋𝐨𝐮𝐫𝐝𝐞𝐬 𝐑𝐞𝐬𝐞𝐭𝐭𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 (𝐙𝐨𝐬𝐭 𝐒𝐮𝐛𝐝𝐢𝐯𝐢𝐬𝐢𝐨𝐧) – ₱𝟏𝟔,𝟖𝟕𝟕,𝟖𝟒𝟒.𝟗𝟗
- 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐭𝐫𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐦𝐩𝐫𝐨𝐯𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐅𝐚𝐜𝐢𝐥𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬 𝐚𝐭 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐒𝐥𝐚𝐮𝐠𝐡𝐭𝐞𝐫𝐡𝐨𝐮𝐬𝐞 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐨𝐮𝐧𝐝 – ₱𝟐,𝟑𝟎𝟕,𝟏𝟕𝟐.𝟕𝟓
- 𝐒𝐢𝐭𝐞 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐒𝐚𝐧 𝐉𝐨𝐬𝐞 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐌𝐚𝐫𝐤𝐞𝐭 (𝐑𝐨𝐚𝐝, 𝐏𝐚𝐫𝐤𝐢𝐧𝐠, 𝐒𝐢𝐝𝐞𝐰𝐚𝐥𝐤, 𝐃𝐫𝐚𝐢𝐧𝐚𝐠𝐞, 𝐒𝐭𝐫𝐞𝐞𝐭𝐥𝐢𝐠𝐡𝐭) – ₱𝟑𝟔,𝟔𝟕𝟔,𝟗𝟖𝟖.𝟐𝟓
- 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐭𝐫𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐒𝐢𝐝𝐞𝐰𝐚𝐥𝐤 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐃𝐫𝐚𝐢𝐧𝐚𝐠𝐞 𝐒𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦 𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐥𝐨 𝐄𝐱𝐭𝐞𝐧𝐬𝐢𝐨𝐧 – ₱𝟕,𝟓𝟗𝟎,𝟔𝟖𝟕.𝟒𝟎
- 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐭𝐫𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐒𝐢𝐝𝐞𝐰𝐚𝐥𝐤 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐃𝐫𝐚𝐢𝐧𝐚𝐠𝐞 𝐒𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦 𝐚𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐕𝐚𝐥𝐞𝐧𝐜𝐢𝐚 𝐒𝐭𝐫𝐞𝐞𝐭 – ₱𝟕,𝟐𝟓𝟖,𝟏𝟖𝟖.𝟔𝟐
- 𝐑𝐨𝐚𝐝 𝐑𝐞𝐛𝐥𝐨𝐜𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟 𝐁𝐮𝐫𝐠𝐨𝐬 𝐒𝐭𝐫𝐞𝐞𝐭 (𝐌𝐚𝐧𝐚𝐥𝐨 𝐭𝐨 𝐁𝐨𝐧𝐢𝐟𝐚𝐜𝐢𝐨) – ₱𝟏𝟏,𝟒𝟕𝟒,𝟒𝟏𝟗.𝟕𝟕
- 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐭𝐫𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐂𝐨𝐯𝐞𝐫𝐞𝐝 𝐂𝐨𝐮𝐫𝐭 (𝐒𝐚𝐧 𝐈𝐬𝐢𝐝𝐫𝐨) – ₱𝟏𝟎,𝟒𝟓𝟐,𝟖𝟏𝟓.𝟎𝟏
- 𝐈𝐦𝐩𝐫𝐨𝐯𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐃𝐫𝐚𝐢𝐧𝐚𝐠𝐞 𝐒𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦 𝐚𝐭 𝐁𝐚𝐲𝐰𝐚𝐥𝐤 𝐀𝐫𝐞𝐚 – ₱𝟏𝟏,𝟔𝟐𝟖,𝟗𝟒𝟗.𝟒𝟏
Malaki ang inaasahang ambag ng mga proyektong ito sa pagpapabuti ng serbisyong panlipunan at imprastraktura sa lungsod—mula sa mas maayos na access sa edukasyon ng mga kabataan, pagpapalakas ng lokal na ekonomiya, hanggang sa pagpapabuti ng daloy ng transportasyon at pagbawas ng panganib dulot ng pagbaha.
Personal na pinangunahan ni Mayor Lucilo R. Bayron ang pag-iikot sa mga proyekto, kung saan binigyang-diin niya sa kanyang talumpati na ang mga programang ito ay bahagi ng mas malawak na layunin ng lungsod na tiyakin ang inklusibong kaunlaran.
Ayon sa alkalde, “𝐴𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑝𝑟𝑜𝑦𝑒𝑘𝑡𝑜𝑛𝑔 𝑖𝑡𝑜 𝑎𝑦 𝑚𝑎𝑔𝑏𝑖𝑏𝑖𝑔𝑎𝑦 𝑑𝑎𝑎𝑛 𝑢𝑝𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑎𝑏𝑜𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡—𝑚𝑎𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑠𝑎 𝑟𝑢𝑟𝑎𝑙 𝑚𝑎𝑛 𝑜 𝑢𝑟𝑏𝑎𝑛 𝑛𝑎 𝑚𝑔𝑎 𝑏𝑎𝑟𝑎𝑛𝑔𝑎𝑦. 𝑆𝑎 𝑝𝑎𝑔-𝑢𝑛𝑙𝑎𝑑 𝑛𝑔 𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑙𝑢𝑛𝑔𝑠𝑜𝑑, 𝑑𝑎𝑝𝑎𝑡 𝑤𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑖𝑖𝑤𝑎𝑛.”
Nakiisa rin sa nasabing aktibidad ang mga kinatawan mula sa Office of the City Engineering sa pangunguna ni Engr. Aries Grande, Office of the City Architect na pinamumunuan ni Arch. Honesto Teves, City Planning and Development Coordinator – Engr. Jovenee Sagun, Konsehal Gerry Abad, Kon. Jonjie Rodriguez, Kon. Luis Marcaida III at Kon. Karl Dylan Aquino, gayundin ang mga barangay officials at kanilang mga kawani. Nagkaroon rin ng pagkakataon ang mga estudyanteng miyembro ng Apuradong Kabataan ng Puerto Princesa na masaksihan at makibahagi sa ginawang aktibidad.
Patunay ang mga inisyatibong ito ng patuloy na pagsisikap ng Mapagkalingang Mega Apuradong Administrasyon na itaguyod ang balanseng pag-unlad at mas pinabuting kalidad ng buhay para sa bawat Puerto Princesan. #InaugurationCGPP #GroundbreakingCGPP #PuertoPrincesaCity
