
Nag-courtesy call kay Puerto Princesa City Mayor Lucilo R. Bayron ang mga miyembro ng Local People’s Council of Puerto Princesa City (LPCPPC), sa pangunguna ni Chairperson Dr. Romeo A. Valdez, ngayong araw, Agosto 17, 2026, sa City Mayor’s Office.
Ibinahagi ng konseho ang mga naging resulta at mahahalagang natutunan mula sa kanilang benchmarking activity sa Pasig City at Quezon City noong Agosto 3–6, 2026, kabilang ang pagbisita sa Senado ng Pilipinas. Tinalakay din ang ilang good practices na maaaring makatulong upang higit pang mapalakas ang partisipasyon at pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan sa Pamahalaang Panlungsod.
Ibinahagi rin ng konseho sa dalawang LGU ang mga best practices ng Puerto Princesa City, partikular ang mga programang panlipunan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Bayron.
Nagpasalamat naman si Mayor Bayron sa mga miyembro ng konseho sa kanilang boluntaryong paglilingkod at mahalagang papel bilang katuwang at tulay ng Pamahalaang Panlungsod sa iba’t ibang sektor ng komunidad.
