BAGONG STANDARD DAY CARE CENTER SA BRGY. MAOYON

Pinangunahan ni Mayor Lucilo R. Bayron noong Setyembre 9, 2026 ang pagpapasinaya sa bagong Standard Day Care Center sa Brgy. Maoyon.

Ang bawat day care center na pinapatayo ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa ay may standard features tulad ng Teacher’s Area, Activity Area, Learning Area, Dining Area, Kitchen Space, Washing Area, at Comfort Room.

Ayon kay Mayor Lucilo R. Bayron, bagama’t isa ang Maoyon sa mga pinakamaliit na barangay sa Puerto Princesa, hindi ito dapat maging hadlang sa pagpapatupad ng mga proyekto mula sa Pamahalaang Lungsod.

Malaki naman ang pasasalamat ng Barangay Maoyon sa Pamahalaang Lungsod, sa pamumuno ni Mayor Lucilo R. Bayron, sa pagkakaroon ng bagong standard day care center dahil malaking tulong ito para sa kabataan at mga magulang ng kanilang barangay.

Inauguration: Construction of Standard Day Care Center, Brgy. Maoyon

Project Cost: ₱5,733,880.90

#MayorLuciloBayron

#PuertoPrincesa

Similar Posts