CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Pinatunayang muli ng Siargao Dragons mula sa “Surfing Capital of the Philippines”, Siargao, Surigao del Norte na sila pa rin ang magdodomina sa tunggalian ng mga mahuhusay sa ginanap na “3rd International Dragon Boat Festival” sa lungsod ng Puerto Princesa nitong Oktubre 26-27. Ipinamalas ng ‘paddlers’ ang matibay na teamwork, lakas ng katawan, diskarte at bilis para makaungos sa bawat laban.

Tuluy-tuloy ang paghahanda ng Pamahalaang Lungsod sa kapana-panabik na water-based sport activities na gaganapin sa lungsod. Mapapansin ang mga ginawang bleachers sa baywalk upang mas komportable ang panonood sa gaganaping 3rd Puerto Princesa International Dragon Boat Festival mula Oct. 25-27 at ang inaabangang ICF Dragon Boat World Championship mula Oct. 28 - Nov. 4. Maliban sa removable bleachers ay magtatayo din ng removable tent sa paligid at iba pang pasilidad.

Sa gitna ng patuloy na pag-usbong ng industriya ng sports tourism sa Pilipinas, isang malaking karangalan ang natamo ng Puerto Princesa, nang ito ay makasama sa nominado bilang “Philippine Sports Tourism Government Organizer of the Year 2023.” Ang nominasyong ito ay patunay ng pagsusumikap at dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa pagbuo at pagsuporta sa mga programang nagtataguyod ng sports tourism sa lungsod. Magaganap ang pagpaparangal sa Axis Nustar Resort, Cebu sa darating na Nobyembre 22 handog ng 6th Philippine Sports Tourism Awards.

Sa gitna ng patuloy na pag-usbong ng industriya ng sports tourism sa Pilipinas, isang malaking karangalan ang natamo ng Puerto Princesa, nang ito ay makasama sa nominado bilang “Philippine Sports Tourism Government Organizer of the Year 2023.” Ang nominasyong ito ay patunay ng pagsusumikap at dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa pagbuo at pagsuporta sa mga programang nagtataguyod ng sports tourism sa lungsod. Magaganap ang pagpaparangal sa Axis Nustar Resort, Cebu sa darating na Nobyembre 22 handog ng 6th Philippine Sports Tourism Awards.

Ipinagmamalaki ng lungsod ng Puerto Princesa ang mga natatanging pagganap at tagumpay nito sa pagpapalaganap ng mabuti at maayos na pamamahala, pag-unlad ng imprastruktura, kahusayan ng gobyerno, at pag-angat sa kompetisyon ng ekonomiya sa pamamagitan ng iba't ibang mga gantimpala at pagkilala na natanggap nito, mapa-rehiyon man ng MIMAROPA at sa bansa sa mga nakaraang taon hanggang ngayon. Ang mga inisyatibo sa pag-unlad, innovation, programa, at proyekto ng Pamahalaang Lungsod, na pinangunahan ni Mayor Lucilo R. Bayron ay nakatulong sa mga tagumpay na ito.

Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Lucilo R. Bayron, ang Puerto Princesa City ay naglunsad ng mga proyekto at programang sumasaklaw sa lahat ng aspeto ng pag-unlad ng kabataan. Mula sa edukasyon hanggang sa sining, ang bawat inisyatibo ay naglalayong bigyang-lakas ang ating mga kabataan na maging aktibong bahagi ng lipunan.

Dumanas man ng pagkasira ng mga pananim sanhi ng mga bagyong dumaan noong buwan ng Setyembre, nakapatala pa rin ang SM Kadiwa Outlet ng kinitang P116,218.00 mula sa mga itinindang mga produkto sa mga noong Setyembre 28, 2024.

Ampalaya, Letsugas, Sitaw, talong ,okra ang mga “best sellers” na gulay. Meron ding mga panindang prutas tulad ng melon,itlog, free range chickens, mushroom at by-products ng mga produktong dagat.

Ginanap nitong ika-5 ng Oktubre 2024 ang koronasyon ng Mr. & Ms. Forever Young 2024 sa Edward S. Hagedorn Coliseum. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng selebrasyon ng ika-27 taong Elderly Filipino Week at ika-40 taon anibersaryo ng pagkakatatag ng Federation of Senior Citizen Association of the Philippines-Puerto Princesa. Ang selebrasyon ay may temang “Senior Citizens: Building the Nation, Inspiring Generations”.

Sa ikatlong pagkakataon, muling ginanap sa Brgy. Bagong Silang ngayong araw, Oktubre 5 ang sabayang paglilinis ng dalampasigan, mga estero at paligid para sa ikalabing-isang episode ng Save the Puerto Princesa Bays.

Nagkaisang muli ang mga mamamayan mula sa iba’t ibang sektor, mapa-pribado o pampublikong grupo at mga uniformed personnel. Sinimulan sa masayang programa kung saan nagkaroon ng zumba exercise na pinangunahan ng City Sports Office at ang nakakaindak na sayawan mula sa Banwa Dance and Arts.

Latest News

November 04, 2024

Nagbunga ang pinagsumikapan at pinaghandaan ng koponan ng Pilipinas matapos na masungkit ang titulong over-all champion sa katatapos lamang na 2024 ICF Dragon Boat World Championships na ginanap sa lungsod ng Puerto Princesa mula noong Oktubre 28 hanggang Nobyembre 3.

Labing-isang ginto,...

November 04, 2024

October 28, 2024

Pinatunayang muli ng Siargao Dragons mula sa “Surfing Capital of the Philippines”, Siargao, Surigao del Norte na sila pa rin ang magdodomina sa tunggalian ng mga mahuhusay sa ginanap na “3rd International Dragon Boat Festival” sa lungsod ng Puerto Princesa nitong Oktubre 26-27...

Services/Related Links

    

Visit Puerto Princesa

PAGASA Weather Updates

DOST PAGASA Weather Updates

 

Honors and Awards