ππ€πŒπ€π‡π€π‹π€π€ππ† ππ€ππ‹π”ππ†π’πŽπƒ, πŒπ”π‹πˆππ† π“π”πŒπ€ππ†π†π€π 𝐍𝐆 πˆπŒπŒπ„π‘π’πˆπŽπ 𝐒𝐓𝐔𝐃𝐄𝐍𝐓𝐒 πŒπ”π‹π€ 𝐒𝐀𝐍 π‰πŽπ’π„ 𝐍𝐇𝐒; πŸ•πŸ“ πˆπ“ 𝐒𝐓𝐔𝐃𝐄𝐍𝐓𝐒 πŒπ”π‹π€ 𝐏𝐀𝐋𝐒𝐔 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐑𝐀𝐙𝐀 𝐀𝐓 ππ‘πŽπŽπŠπ„β€™π’ ππŽπˆππ“, πŒπ€π†π’π€π’π€π†π€π–π€ 𝐍𝐆 π„πƒπ”π‚π€π“πˆπŽππ€π‹ π“πŽπ”π‘

#CIOBalita || 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐋𝐔𝐍𝐆𝐒𝐎𝐃, 𝐌𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐌𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐈𝐌𝐌𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐓𝐔𝐃𝐄𝐍𝐓𝐒 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀𝐍 𝐉𝐎𝐒𝐄 𝐍𝐇𝐒; 𝟕𝟓 𝐈𝐓 𝐒𝐓𝐔𝐃𝐄𝐍𝐓𝐒 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐏𝐀𝐋𝐒𝐔 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐑𝐀𝐙𝐀 𝐀𝐓 𝐁𝐑𝐎𝐎𝐊𝐄’𝐒 𝐏𝐎𝐈𝐍𝐓, 𝐌𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐄𝐃𝐔𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐓𝐎𝐔𝐑

Patuloy na binubuksan ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa ang mga oportunidad para sa mga mag-aaral na magkaroon ng aktuwal na karanasan at mas malawak na kaalaman sa operasyon ng lokal na pamahalaan, partikular sa larangan ng 𝐈𝐧𝐟𝐨𝐫𝐦𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐓𝐞𝐜𝐡𝐧𝐨𝐥𝐨𝐠𝐲 (𝐈𝐓).

Ngayong Nobyembre 3 hanggang 25, 2026, muling tinanggap ng City Mayor’s Office, sa pamamagitan ng Management Information System Division (MISD), ang 𝟐𝟒 𝐧𝐚 𝐢𝐦𝐦𝐞𝐫𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐬𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐚𝐧 𝐉𝐨𝐬𝐞 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥, sa ilalim ng pangangasiwa ni Ms. Malou C. Elvera, Teacher VI at Work Immersion Focal Person.

Layunin ng kanilang work immersion na mabigyan ang mga mag-aaral ng praktikal na karanasan sa aktuwal na kapaligiran ng trabaho, malinang ang kanilang kakayahan, at maihanda sila sa mga oportunidad sa hinaharap.

Samantala, 𝟕𝟓 𝐈𝐧𝐟𝐨𝐫𝐦𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐓𝐞𝐜𝐡𝐧𝐨𝐥𝐨𝐠𝐲 𝐬𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐝𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐜𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐞 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲 (𝐏𝐚𝐥𝐒𝐔) ang tinanggap rin sa pamahalaang panlungsod para sa kanilang 𝐈𝐧𝐟𝐨𝐫𝐦𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐓𝐞𝐜𝐡𝐧𝐨𝐥𝐨𝐠𝐲 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐓𝐨𝐮𝐫 ngayong Nobyembre 9 at 10, 2026.

Ngayong Nobyembre 9, inaasahang magsasagawa ng educational tour ang 𝟒𝟓 𝐈𝐓 𝐬𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐥𝐒𝐔-𝐁𝐚𝐭𝐚𝐫𝐚𝐳𝐚 𝐂𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬, sa pangunguna ni Ms. Arianne Kaye L. Jamis, Educational Tour Coordinator, kasama si Mr. Mohammar M. Arabia, Faculty In-Charge/Student Supervisor.

Susundan naman ito sa Nobyembre 10 ng 𝟑𝟎 𝐈𝐓 𝐬𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐥𝐒𝐔-𝐁𝐫𝐨𝐨𝐤𝐞’𝐬 𝐏𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐂𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬, sa pangunguna ni Ms. Cloie May Beatriz B. Estiandan, Educational Tour Coordinator.

Pangungunahan ng MISD ng City Mayor’s Office ang pag-facilitate ng mga pagbisita upang mabigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong mas makilala ang mga sistema, teknolohiya, at digital na prosesong ginagamit sa operasyon at paghahatid ng serbisyo ng pamahalaang panlungsod.

Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, patuloy na pinagtitibay ng 𝐚𝐝𝐦𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐢 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐋𝐮𝐜𝐢𝐥𝐨 𝐑. 𝐁𝐚𝐲𝐫𝐨𝐧 ang pakikipagtulungan sa mga institusyong pang-edukasyon upang suportahan ang pagkatuto, pagpapaunlad ng kasanayan, at paghahanda ng kabataan sa makabagong mundo ng teknolohiya.

𝐒𝐚 𝐏𝐮𝐞𝐫𝐭𝐨 𝐏𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞𝐬𝐚, 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐮𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐨𝐩𝐨𝐫𝐭𝐮𝐧𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐤𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐧𝐠𝐨 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐡𝐮𝐛𝐨𝐠 𝐧𝐠 𝐬𝐮𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐧𝐚 𝐡𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐫𝐨𝐩𝐞𝐬𝐲𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐚𝐭 𝐥𝐢𝐝𝐞𝐫 𝐧𝐠 𝐥𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝.

#PuertoPrincesaCity #KabataangPuertoPrincesa #WorkImmersion #ITEducationalTour

Similar Posts