













#BalitangTurismo || 𝐒𝐀𝐌𝐀 𝐀𝐋𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐏𝐔𝐄𝐑𝐓𝐎 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐂𝐄𝐒𝐀 𝐃𝐄𝐒𝐈𝐆𝐍 𝐓𝐀𝐋𝐊, 𝐈𝐓𝐈𝐍𝐀𝐌𝐏𝐎𝐊 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐏𝐄𝐋 𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐒𝐄𝐍𝐘𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐇𝐔𝐁𝐎𝐆 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐒 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐆 𝐀𝐓 𝐒𝐔𝐒𝐓𝐄𝐍𝐀𝐁𝐋𝐄𝐍𝐆 𝐊𝐎𝐌𝐔𝐍𝐈𝐃𝐀𝐃
Tampok ang kahalagahan ng malikhaing pag-iisip, maayos na pagpaplano at sama-samang pagkilos sa paghubog ng kinabukasan ng Puerto Princesa sa pagbubukas ng 𝐒𝐀𝐌𝐀 𝐀𝐋𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐏𝐮𝐞𝐫𝐭𝐨 𝐏𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞𝐬𝐚 𝐃𝐞𝐬𝐢𝐠𝐧 𝐓𝐚𝐥𝐤 ngayong Oktubre 13 sa Robinsons Palawan Activity Center.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 𝐃𝐞𝐬𝐢𝐠𝐧 𝐖𝐞𝐞𝐤 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬 𝟐𝟎𝟐𝟔, naghatid ng makabuluhang talakayan ang unang araw ng aktibidad tungkol sa papel ng disenyo sa pagpaplano ng lungsod at pagbuo ng mga komunidad na mas matatag, inklusibo at sustainable.
Ibinahagi ni Engr. Jovenee Sagun ang paksang “𝘋𝘦𝘴𝘪𝘨𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘗𝘶𝘦𝘳𝘵𝘰 𝘗𝘳𝘪𝘯𝘤𝘦𝘴𝘢: 𝘗𝘭𝘢𝘯𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘖𝘶𝘳 𝘊𝘪𝘵𝘺, 𝘚𝘩𝘢𝘱𝘪𝘯𝘨 𝘖𝘶𝘳 𝘍𝘶𝘵𝘶𝘳𝘦,” na tumalakay sa kahalagahan ng pagpaplano sa paghubog ng kinabukasan ng lungsod. Sinundan ito ng talakayan ni Engr. Marc Krysteena Beatriz Luciano, Mutya ng Palawan World 2026, sa paksang “𝘉𝘶𝘪𝘭𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘉𝘦𝘵𝘵𝘦𝘳: 𝘚𝘶𝘴𝘵𝘢𝘪𝘯𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘊𝘳𝘦𝘢𝘵𝘪𝘷𝘦 𝘋𝘦𝘴𝘪𝘨𝘯 𝘧𝘰𝘳 𝘖𝘶𝘳 𝘊𝘰𝘮𝘮𝘶𝘯𝘪𝘵𝘪𝘦𝘴,” na nagbigay-diin sa paggamit ng malikhain at sustenableng disenyo sa pagpapaunlad ng mga komunidad.
Bitbit ang temang “𝐃𝐞𝐬𝐢𝐠𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐓𝐨𝐠𝐞𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐟𝐨𝐫 𝐚 𝐑𝐞𝐬𝐢𝐥𝐢𝐞𝐧𝐭, 𝐈𝐧𝐜𝐥𝐮𝐬𝐢𝐯𝐞, 𝐚𝐧𝐝 𝐒𝐮𝐬𝐭𝐚𝐢𝐧𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐅𝐮𝐭𝐮𝐫𝐞,” layon ng pagtitipon na palawakin ang kamalayan sa kahalagahan ng disenyo bilang mahalagang bahagi ng pagpaplano at pagpapaunlad ng lungsod—kung saan isinasaalang-alang ang pangangailangan ng mamamayan, pangangalaga sa kapaligiran at pagbuo ng mga solusyong pangmatagalan.
Hindi rito nagtatapos ang mga talakayan. Inaanyayahan ang publiko na makiisa sa pagpapatuloy ng SAMA ALL 2026 sa Oktubre 14 at 15, mula 1:00 ng hapon hanggang 5:00 ng hapon, sa Robinsons Palawan Activity Center upang makibahagi sa iba pang makabuluhang diskusyon at palitan ng mga ideya tungkol sa disenyo at pag-unlad ng komunidad.
Sa pamamagitan ng mga inisyatibong nagtataguyod ng malikhaing pakikipagtulungan at responsableng pagpaplano, patuloy na binibigyang-halaga ang sama-samang paghubog ng isang mas maunlad, matatag at sustenableng kinabukasan para sa isang progresibong Puerto Princesa.
