𝟏𝟎,πŸ’πŸ’πŸ– πŠπŽππ’π”π‹π“π€π’π˜πŽπ, ππ€πˆπ“π€π‹π€ 𝐒𝐀 ππ”π„π‘π“πŽ ππ‘πˆππ‚π„π’π€ π‚πˆπ“π˜ πŒπ„πƒπˆπ‚π€π‹ π‚πŽπŒππ‹π„π— ππŽπŽππ† π’π„π“π˜π„πŒππ‘π„

#𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠𝐊𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧 || 𝟏𝟎,𝟒𝟒𝟖 𝐊𝐎𝐍𝐒𝐔𝐋𝐓𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍, 𝐍𝐀𝐈𝐓𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐄𝐑𝐓𝐎 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐂𝐄𝐒𝐀 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐌𝐄𝐃𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐗 𝐍𝐎𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐄𝐓𝐘𝐄𝐌𝐁𝐑𝐄

Maya Estiandan, CIO Balita

Umabot sa 𝟏𝟎,𝟒𝟒𝟖 𝐨𝐮𝐭𝐩𝐚𝐭𝐢𝐞𝐧𝐭 𝐜𝐨𝐧𝐬𝐮𝐥𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 ang naitala sa Puerto Princesa City Medical Complex noong Setyembre, kasabay ng patuloy na paggamit ng mga residente sa mga serbisyong medikal na ipinagkakaloob ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng City Health Office (CHO).

Batay sa accomplishment report ng CHO, kabilang sa mga serbisyong naitala sa Medical Complex sa nasabing buwan ang sumusunod:

🔹 𝟓,𝟓𝟐𝟕 𝒑𝒉𝒂𝒓𝒎𝒂𝒄𝒚 𝒔𝒆𝒓𝒗𝒊𝒄𝒆𝒔

🔹 𝟓,𝟏𝟖𝟖 𝒍𝒂𝒃𝒐𝒓𝒂𝒕𝒐𝒓𝒚 𝒔𝒆𝒓𝒗𝒊𝒄𝒆𝒔

🔹 𝟒,𝟖𝟗𝟕 𝒓𝒂𝒅𝒊𝒐𝒍𝒐𝒈𝒊𝒄 𝒂𝒕 𝒊𝒎𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒔𝒆𝒓𝒗𝒊𝒄𝒆𝒔

🔹 𝟏,𝟒𝟐𝟖 𝒅𝒆𝒏𝒕𝒂𝒍 𝒔𝒆𝒓𝒗𝒊𝒄𝒆𝒔

🔹 𝟏,𝟐𝟔𝟗 𝒂𝒏𝒊𝒎𝒂𝒍 𝒃𝒊𝒕𝒆 𝒔𝒆𝒓𝒗𝒊𝒄𝒆𝒔

🔹 𝟕𝟓𝟐 𝒆𝒎𝒆𝒓𝒈𝒆𝒏𝒄𝒚 𝒕𝒓𝒂𝒏𝒔𝒑𝒐𝒓𝒕 𝒔𝒆𝒓𝒗𝒊𝒄𝒆𝒔 𝒔𝒂 𝒊𝒍𝒂𝒍𝒊𝒎 𝒏𝒈 𝑯𝑬𝑹𝑶

🔹 𝟔𝟎𝟑 𝒔𝒐𝒄𝒊𝒂𝒍 𝒉𝒚𝒈𝒊𝒆𝒏𝒆 𝒔𝒆𝒓𝒗𝒊𝒄𝒆𝒔

🔹 𝟏𝟒𝟑 𝑻𝑩-𝑫𝑶𝑻𝑺 𝒔𝒆𝒓𝒗𝒊𝒄𝒆𝒔

Sa pangangalaga naman sa kalusugan ng ina at sanggol, nakapagtala ang pasilidad ng 𝟏𝟑𝟑 𝐛𝐮𝐧𝐭𝐢𝐬 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐩𝐚𝐤𝐨𝐧𝐬𝐮𝐥𝐭𝐚 𝐚𝐭 𝟏𝟑 𝐢𝐧𝐚 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐚𝐤 𝐬𝐚 𝐛𝐢𝐫𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐟𝐚𝐜𝐢𝐥𝐢𝐭𝐲 sa loob ng buwan. Kabilang sa mga serbisyong pang-nursing ang prenatal at postnatal care upang matiyak ang angkop na pangangalaga bago at pagkatapos ng panganganak.

Bukas 24 oras, pitong araw kada linggo ang birthing facility ng Medical Complex para sa mga kwalipikadong manganganak na nangangailangan ng pangangalaga. May nakatalagang nurse at midwife, 24/7 on-call doctor, at ambulansiya para sa kinakailangang transportasyon.

Tuwing Huwebes isinasagawa ang 𝐁𝐮𝐧𝐭𝐢𝐬 𝐃𝐚𝐲 upang mabigyang-pansin ang mga pangangailangang pangkalusugan ng mga nagdadalang-tao. Mayroon ding nakatakdang konsultasyon tuwing Lunes, Martes, Miyerkules, at Biyernes upang mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na makapagpakonsulta sa pasilidad.

Sa patuloy na paghahatid ng mga serbisyong ito, isinusulong ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa, sa pamamagitan ng CHO, ang mas maayos at abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan. Layunin nitong mailapit ang mahahalagang serbisyong medikal sa komunidad at mapalawak ang pagkakataon ng bawat Puerto Princesan na makatanggap ng angkop na pangangalaga.

𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧, 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚 𝐢𝐧𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚𝐩𝐢𝐭 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐏𝐮𝐞𝐫𝐭𝐨 𝐏𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞𝐬𝐚𝐧!

#PuertoPrincesaCity #CityHealthOffice

Similar Posts