๐€๐๐๐‘๐Ž๐•๐„๐ƒ ๐‘๐„๐’๐Ž๐‹๐”๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐๐Ž. ๐Ÿ–๐ŸŽ๐Ÿ–-๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

#SangguniangUpdate || 𝐀𝐏𝐏𝐑𝐎𝐕𝐄𝐃 𝐑𝐄𝐒𝐎𝐋𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐍𝐎. 𝟖𝟎𝟖-𝟐𝟎𝟐𝟔

Pinagtibay ng 𝟏𝟖𝐭𝐡 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐥𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝 sa isinagawang 𝟓𝟔𝐭𝐡 𝐑𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 ang 𝐑𝐞𝐬𝐨𝐥𝐮𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐍𝐨. 𝟖𝟎𝟖-𝟐𝟎𝟐𝟔, na may titulong:
“𝘈 𝘙𝘦𝘴𝘰𝘭𝘶𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘙𝘦𝘪𝘵𝘦𝘳𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘩𝘦 𝘙𝘦𝘲𝘶𝘦𝘴𝘵 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘏𝘰𝘯𝘰𝘳𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘊𝘪𝘵𝘺 𝘔𝘢𝘺𝘰𝘳 𝘓𝘶𝘤𝘪𝘭𝘰 𝘙. 𝘉𝘢𝘺𝘳𝘰𝘯 𝘵𝘰 𝘵𝘩𝘦 𝘕𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘏𝘰𝘶𝘴𝘪𝘯𝘨 𝘈𝘶𝘵𝘩𝘰𝘳𝘪𝘵𝘺 (𝘕𝘏𝘈) 𝘵𝘰 𝘙𝘦𝘭𝘦𝘢𝘴𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘊𝘪𝘵𝘺 𝘎𝘰𝘷𝘦𝘳𝘯𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘰𝘧 𝘗𝘶𝘦𝘳𝘵𝘰 𝘗𝘳𝘪𝘯𝘤𝘦𝘴𝘢 𝘧𝘳𝘰𝘮 𝘢𝘯𝘺 𝘙𝘦𝘮𝘢𝘪𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘖𝘣𝘭𝘪𝘨𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘙𝘦𝘭𝘢𝘵𝘪𝘷𝘦 𝘵𝘰 𝘵𝘩𝘦 240-𝘋𝘶𝘱𝘭𝘦𝘹 𝘏𝘰𝘶𝘴𝘪𝘯𝘨 𝘗𝘳𝘰𝘫𝘦𝘤𝘵 𝘓𝘰𝘤𝘢𝘵𝘦𝘥 𝘢𝘵 𝘉𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺 𝘔𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘨𝘪𝘴𝘥𝘢, 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘊𝘪𝘵𝘺, 𝘪𝘯 𝘙𝘦𝘭𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘵𝘰 𝘵𝘩𝘦 𝘓𝘦𝘵𝘵𝘦𝘳 𝘋𝘢𝘵𝘦𝘥 𝘑𝘶𝘯𝘦 21, 2021 𝘧𝘳𝘰𝘮 𝘈𝘵𝘵𝘺. 𝘈𝘳𝘯𝘦𝘭 𝘔. 𝘗𝘦𝘥𝘳𝘰𝘴𝘢, 𝘊𝘪𝘵𝘺 𝘈𝘥𝘮𝘪𝘯𝘪𝘴𝘵𝘳𝘢𝘵𝘰𝘳, 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘊𝘪𝘵𝘺.”

Inihain ang naturang resolusyon ng 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞 𝐨𝐧 𝐖𝐚𝐲𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐞𝐚𝐧𝐬 upang muling ipabatid sa 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐨𝐮𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐮𝐭𝐡𝐨𝐫𝐢𝐭𝐲 (𝐍𝐇𝐀) ang kahilingan ng pamahalaang panlungsod na tuluyang maresolba ang usapin hinggil sa anumang natitirang obligasyon ng City Government of Puerto Princesa kaugnay ng 𝟐𝟒𝟎-𝐃𝐮𝐩𝐥𝐞𝐱 𝐇𝐨𝐮𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐌𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐠𝐢𝐬𝐝𝐚.

Sa bisa ng 𝐑𝐞𝐬𝐨𝐥𝐮𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐍𝐨. 𝟏𝟏𝟓𝟐-𝟐𝟎𝟏𝟓, binigyan ng kapangyarihan ang alkalde na pumasok at lumagda, sa ngalan ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa, sa 𝐃𝐞𝐞𝐝 𝐨𝐟 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫 𝐚𝐧𝐝 𝐀𝐜𝐜𝐞𝐩𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 kasama ang NHA para sa natapos na 240-unit housing project na naglalayong magbigay ng 𝐝𝐢𝐬𝐞𝐧𝐭𝐞 𝐚𝐭 𝐚𝐛𝐨𝐭-𝐤𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐛𝐚𝐡𝐚𝐲 sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Batay sa 𝐌𝐞𝐦𝐨𝐫𝐚𝐧𝐝𝐮𝐦 𝐨𝐟 𝐀𝐠𝐫𝐞𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭, nakasaad na ang NHA ang maglalaan at maglalabas ng kaukulang pondo sa City Government of Puerto Princesa para sa pagpapatupad ng naturang proyekto.

Gayunman, ayon sa resolusyon, ang pondong ito ay hindi naibigay sa pamahalaang panlungsod hanggang sa kasalukuyan.
Dahil dito, muling iginiit ng lokal na pamahalaan ang kahilingang 𝐩𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐏𝐮𝐞𝐫𝐭𝐨 𝐏𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐧𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐭𝐢𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐨𝐛𝐥𝐢𝐠𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐍𝐇𝐀 kaugnay ng pondong inilaan para sa proyekto ngunit hindi naman naibigay.

Ang naturang kahilingan ay unang inilahad sa pamamagitan ng liham ni 𝐀𝐭𝐭𝐲. 𝐀𝐫𝐧𝐞𝐥 𝐌. 𝐏𝐞𝐝𝐫𝐨𝐬𝐚, 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐀𝐝𝐦𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐨𝐫, na ipinadala noong June 21, 2021 sa pamunuan ng NHA MIMAROPA District Office, sa pamamagitan ni 𝐌𝐬. 𝐏𝐚𝐮𝐥𝐢𝐧𝐚 𝐄𝐯𝐞𝐥𝐢𝐚 𝐃. 𝐉𝐨𝐬𝐨𝐧, 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐫-𝐢𝐧-𝐂𝐡𝐚𝐫𝐠𝐞.

Sa pagpapatibay ng Resolution No. 808-2026, muling ipinapakita ng sangguniang panlungsod ang suporta nito sa pagsisikap ng pamahalaang panlungsod na 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐧𝐚𝐰 𝐚𝐭 𝐭𝐮𝐥𝐮𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐫𝐞𝐬𝐨𝐥𝐛𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐮𝐬𝐚𝐩𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐧𝐬𝐲𝐚𝐥 𝐚𝐭 𝐚𝐝𝐦𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐢𝐛𝐨 na may kaugnayan sa naturang housing project. #SangguniangPanlungsod #PuertoPrincesaCity

Similar Posts