Pinangunahan ni Mayor Lucilo R. Bayron ang pagtatanim ng mga flowering tree sa Puerto Princesa Motocross Park sa Barangay Sta. Lucia nitong Setyembre 11, 2026.

Nakibahagi sa tree planting activity ang mga kinatawan mula sa City Environment and Natural Resources Office (City ENRO), City Agriculture Office, Balayong People’s Park Management Office, Oplan Linis Program, at City Mayor’s Office.

Umabot sa 350-400 punla ng Balayong at Golden Shower ang naitanim noong Biyernes na inaasahang makadaragdag sa mga punong nagbibigay ng lilim at ganda sa lugar.

#MayorLuciloBayron

#PuertoPrincesa

Similar Posts