
Pinangunahan ni Mayor Lucilo R. Bayron ang oath-taking ng mga bagong halal na opisyal ng Puerto Princesa City Fishport Tenants Association (PPCFTA) sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Armando Umpacan kasama ang iba pang opsiyales kahapon, Setyembre 2, 2026, sa City Mayor’s Office.
Nagpaabot si Mayor Bayron ng pagbati sa bagong pamunuan at hinikayat ang mga ito na patuloy na magkaisa at makipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod para sa kapakanan ng kanilang mga miyembro at sa patuloy na pag-unlad ng sektor na kanilang kinabibilangan.
Nagpahayag naman ang bagong pamunuan ng PPCFTA ng kanilang kahandaang makipagtulungan sa lokal na pamahalaan at magsilbing katuwang sa pagsusulong ng mga programang makatutulong sa kanilang samahan at mga miyembro.
