






𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐔𝐩𝐝𝐚𝐭𝐞 || 𝟏𝟖𝐓𝐇 𝐒𝐀𝐍𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐋𝐔𝐍𝐆𝐒𝐎𝐃, 𝐈𝐍𝐀𝐏𝐑𝐔𝐁𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐀𝐍𝐍𝐔𝐀𝐋 𝐁𝐔𝐃𝐆𝐄𝐓 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐒𝐀𝐍𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍
Inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa ang mga resolusyong nagbibigay-daan sa paglalaan ng Taunang Badyet para sa Sangguniang Kabataan (SK) para sa Taong 2026 ng mga sumusunod na barangay.
Ang pondo ay magsisilbing suporta sa pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa kapakanan, pag-unlad at aktibong pakikilahok ng kabataan sa kani-kanilang barangay.
Kabilang sa mga larangang maaaring paglaanan ng mga programa ang pangangalaga sa kalikasan, serbisyong pangkalusugan, gender sensitivity, pagpapaunlad ng sports, at mga pagsasanay sa pamumuno.
Sa pamamagitan ng mga inisyatibong ito, nabibigyan ang kabataan ng mas malawak na pagkakataong matuto, makilahok, magpahayag ng kanilang saloobin, at malinang ang kanilang mga kakayahan.
Higit sa mga proyekto, mahalaga ang papel ng SK sa paghahanda sa kabataan bilang mga responsableng lider at aktibong katuwang ng pamahalaan at komunidad.
Sa bawat pondong inilalaan para sa kabataan, mas maraming oportunidad ang nalilikha upang sila ay maging bahagi ng mga solusyong tutugon sa pangangailangan ng kanilang komunidad at sa patuloy na pag-unlad ng Puerto Princesa. #PuertoPrincesaCity #SangguniangPanlungsod
