πƒπˆπ‹π† 𝐋𝐄𝐆𝐀𝐋 𝐎𝐏𝐈𝐍𝐈𝐎𝐍 𝐍𝐎. πŸ—πŸ“-πŸπŸŽπŸπŸ“, πˆππ€ππ€π“π”ππ€πƒ 𝐒𝐀 π’π„π’π˜πŽπ 𝐍𝐆 πŸπŸ–π“π‡ π’π€ππ†π†π”ππˆπ€ππ† ππ€ππ‹π”ππ†π’πŽπƒ

#𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧 || 𝐃𝐈𝐋𝐆 𝐋𝐄𝐆𝐀𝐋 𝐎𝐏𝐈𝐍𝐈𝐎𝐍 𝐍𝐎. 𝟗𝟓-𝟐𝟎𝟐𝟓, 𝐈𝐏𝐀𝐏𝐀𝐓𝐔𝐏𝐀𝐃 𝐒𝐀 𝐒𝐄𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝟏𝟖𝐓𝐇 𝐒𝐀𝐍𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐋𝐔𝐍𝐆𝐒𝐎𝐃

𝑵𝒐𝒓𝒎𝒂 𝑳𝒚𝒏 𝑫𝒂𝒗𝒆, 𝑪𝑰𝑶 𝑩𝒂𝒍𝒊𝒕𝒂

Ipaiiral sa sesyon ng 18th Sangguniang Panlungsod ang mga probisyong nakapaloob sa 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐫 𝐚𝐧𝐝 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 (𝐃𝐈𝐋𝐆) 𝐋𝐞𝐠𝐚𝐥 𝐎𝐩𝐢𝐧𝐢𝐨𝐧 𝐍𝐨. 𝟗𝟓-𝟐𝟎𝟐𝟓, matapos ang isinagawang paglilinaw ng mga miyembro ng konseho kay OIC City DILG Director Dennis S. Beltran.

Sa regular na sesyon nitong Lunes, Agosto 10, ipinaliwanag ni Beltran na batay sa nasabing legal opinion, ang 𝐁𝐢𝐬𝐞 𝐀𝐥𝐤𝐚𝐥𝐝𝐞 𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐫 ng Sangguniang Panlungsod ay hindi maaaring makilahok sa deliberasyon, maghain o mag-sponsor ng ordinansa at resolusyon, maging miyembro ng standing committees, at magbigay ng pribilehiyong pananalita sa mga usaping tinatalakay ng konseho.

Ayon kay Beltran, mahalagang gabay ang mga legal opinion ng DILG para sa mga lokal na pamahalaan at kanilang mga opisyal, partikular sa 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐭𝐮𝐩𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐑𝐞𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐀𝐜𝐭 𝐍𝐨. 𝟕𝟏𝟔𝟎 𝐨 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐨𝐝𝐞 𝐨𝐟 𝟏𝟗𝟗𝟏.

Binigyang-diin din niya na bagama’t ang legal opinion ay hindi katumbas ng isang desisyon ng korte, mayroon itong persuasive influence, sapagkat 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐬𝐚𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠-𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐧𝐚𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐞𝐬𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐣𝐮𝐫𝐢𝐬𝐩𝐫𝐮𝐝𝐞𝐧𝐜𝐞 ng Korte Suprema.

Gayunman, iminungkahi ni Beltran na idulog sa DILG ang ilang usaping nangangailangan pa ng paglilinaw, partikular ang kaugnayan ng nasabing legal opinion sa mga probisyon ng 𝐒𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝟒𝟓𝟕 𝐚𝐭 𝟒𝟓𝟖 𝐧𝐠 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐨𝐝𝐞, na kumikilala sa Bise Alkalde bilang regular na miyembro ng sangguniang panlungsod at bahagi ng lehislatibong proseso.

Sa kabilang panig, inilahad naman ni Konsehal Herbert S. Dilig ang 𝐒𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝟒𝟓𝟔 𝐧𝐠 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐨𝐝𝐞, na tumutukoy sa mga natatanging kapangyarihan, pangunahing tungkulin at kompensasyon ng isang Bise Alkalde.

Sa kabila ng magkakaibang pananaw hinggil sa usapin, sinabi ni Bise Alkalde Peter Q. Maristela na iginagalang niya ang posisyon ng mayorya ng konseho.

Inihayag din ni Maristela na dadalhin niya ang usapin sa pagpupulong ng Vice Mayors’ League of the Philippines – Palawan Chapter ngayong Agosto, gayundin sa kanilang National Assembly na nakatakda sa Setyembre.

Sa pagtatapos ng talakayan, nagbigay si OIC City DILG Director Dennis S. Beltran ng mensahe kaugnay sa usapin. (Panoorin ang video na nasa ibaba)

Patuloy na binibigyang-halaga ng sangguniang panlungsod ang wastong interpretasyon at pagpapatupad ng mga umiiral na batas at panuntunan upang matiyak ang maayos, legal, at responsableng paggampan ng tungkulin ng bawat opisyal ng pamahalaang lungsod. #SangguniangPanlungsod #PuertoPrincesaCity

Similar Posts