PINALAKAS NA KAALAMAN PARA SA MAS MALINIS NA KOMUNIDAD!

#GreenJusticeZone || PINALAKAS NA KAALAMAN PARA SA MAS MALINIS NA KOMUNIDAD!

Isinagawa nitong ika-29 ng Abril 2026 ang Seminar/Workshop sa Implementasyon ng Republic Act 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000) at Republic Act 11898 (Extended Producer Responsibility Act of 2022) sa New City Health Medical Complex, Puerto Princesa City.

Pinangunahan ng Puerto Princesa City Green Justice Zone Committee, katuwang ang Go Just II at ang Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa, ang nasabing aktibidad na nilahukan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod ng Puerto Princesa.

Layunin ng seminar-workshop na palakasin ang kapasidad ng mga opisyal ng barangay upang mas epektibong maipatupad ang mga batas pangkalikasan sa antas ng komunidad. Tinalakay sa programa ng iba’t ibang kinatawan mula sa mga ahensiya ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa ang mahahalagang probisyon ng RA 9003 at RA 11898, organisasyon ng Barangay Ecological Solid Waste Management Committee (BESWMC), at mga praktikal na hakbang sa pagpapatupad ng solid waste management at environmental governance. Nagkaroon din ng mga workshop at talakayan ukol sa pagbuo ng mga barangay ordinansa at resolusyon.

Sa pamamagitan ng ganitong inisyatiba, patuloy na isinusulong ng Puerto Princesa City Green Justice Zone Committee at Pamahalaang Panlungsod ang isang mas malinis, mas maayos, at mas sustenableng Puerto Princesa, simula sa bawat barangay. #PuertoPrincesaCity

Similar Posts