
Pinangunahan ni Mayor Lucilo R. Bayron ang panunumpa sa katungkulan ng mga nahalal na opisyal ng Solo Parents Federation of Puerto Princesa noong April 16, 2026.
Nabuo ang Solo Parents Federation sa tulong at paggabay ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO). Ang mga bagong halal na opisyal ay manunungkulan sa loob ng tatlong taon.
“Mahalaga po na naitatag ang federation. Dahil mayroon tayong 66 barangays na may kanya-kanyang Solo Parent Associations, mas mapapalakas ang komunikasyon at kooperasyon sa bawat isa,” pahayag ni Phebe Resuma, Pangulo ng Solo Parents Federation.
Dagdag pa niya, magsisilbi ang organisasyon bilang boses ng sektor ng solo parents sa pagsusulong ng mga polisiya at programang makabubuti sa kanilang kapakanan.
