DA-RFO MIMAROPA, NOAP, AND LOAMCP-PH BENCHMARKING VISIT AT GINTONG BUTIL AGRI FARM

Dinayo ng mga alkaldeng kasapi ng League of Organic Agriculture Municipalities, Cities and Provinces of the Philippines (LOAMCP-PH) ang Gintong Butil Agri Farm sa Puerto Princesa City upang personal na makita at matutunan ang mga best practices at teknolohiya sa organic farming na ipinatutupad ng Puerto Princesa City Agriculture Office.

Kabilang sa mga delegasyong bumisita sa farm kaninang umaga ang Department of Agriculture – MIMAROPA, National Organic Agriculture Program (NOAP), at mga alkadeng kasapi ng LOAMCP-PH na sina:

– Mayor Roselyn Asok ng LGU Maria, Siquijor

– Mayor Ruel Molina ng LGU Kumalarang, Zamboanga del Sur

– Mayor Filadelfo Jess Baja III ng LGU Garcia Hernandez, Bohol

– Mayor Webster Letargo ng LGU Gumaca, Quezon

– Mayor Solomon Vicencio ng LGU Catubig, Northern Samar

– Mayor Christian Daniel B. Diamante ng LGU Munisipyo ng Tuburan, Cebu

Kasama ng mga Mayor ang kanilang mga Municipal Agriculturist, MPDP at Organic Agriculture Focal Person. Layunin ng pagbisita na makakuha ng dagdag kaalaman sa mga epektibong pamamaraan sa sustainable at natural farming, na maaari nilang maiuwi at maipatupad sa kani-kanilang mga lokal na pamahalaan upang higit pang mapaunlad ang sektor ng agrikultura sa kanilang mga lugar.

Ang benchmarking activity na ito ay naisagawa sa inisyatibo ng National Organic Agriculture Program (NOAP) ng Department of Agriculture, sa pakikipagtulungan ng City Agriculture Office ng Puerto Princesa City.

“I brought with me the League of Organic Agriculture Municipalities, Cities and Provinces, the officers, so they can see how Puerto Princesa is doing its own seed production that they can copy and replicate in their respective areas,” ani NOAP Director Bernadette F. San Juan, CESO II.

Sa pamamagitan ng patuloy na pagbabahagi ng kaalaman at matagumpay na modelo ng pagsasaka, lalong napagtitibay ang layunin ng mga lokal na pamahalaan na isulong ang organikong agrikultura, seguridad sa pagkain, at pangangalaga sa kalikasan.

Similar Posts