𝐑𝐏𝐓 𝐃𝐒𝐯𝐒𝐬𝐒𝐨𝐧 𝐩𝐒𝐧𝐚𝐒𝐠𝐭𝐒𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐚𝐦𝐩𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐬𝐚 𝐑𝐏𝐕𝐀𝐑𝐀 π‹πšπ° 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 B𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲

𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠𝐈𝐧𝐠𝐚𝐭𝐘𝐚𝐦𝐚𝐧 || 𝐑𝐏𝐓 𝐃𝐢𝐯𝐢𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐢𝐠𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐦𝐩𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐬𝐚 𝐑𝐏𝐕𝐀𝐑𝐀 𝐋𝐚𝐰 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 B𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲

𝐀𝐦𝐢𝐞 𝐁𝐨𝐧𝐚𝐥𝐞𝐬, 𝐂𝐈𝐎 𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚

Patuloy ang kampanya ng Real Property Tax (RPT) Division upang ipalaganap ang kaalaman hinggil sa Republic Act No. 12001 (Real Property Valuation and Assessment Reform Act) o RPVARA Law sa iba’t ibang barangay ng lungsod. Noong Sabado, Marso 28, 2026, nagtungo ang mga kawani ng RPT Division sa limang barangay sa kabayanan—Maunlad, Pagkakaisa, Princesa, Maligaya, at Liwanag—habang apat naman sa mga rural barangay ang kanilang binisita, kabilang ang Inagawan-Sub, Buenavista, Marufinas, at Sta. Cruz. Sinundan ito ng pagbisita sa Langgogan noong Linggo, Marso 29. Isinagawa ang aktibidad kasabay ng mga barangay assembly sa tulong at koordinasyon ng Community Affairs Office upang mas maraming mamamayan ang maabot ng impormasyon.
Layunin ng RPT Division na mahikayat ang 828 na mga delingkwenteng nagbabayad ng buwis mula sa mga nasabing lugar, pati na rin ang iba pang property owners, na bayaran ang kanilang mga pagkakautang sa real property tax, partikular ang mga obligasyon mula ikalawang semestre ng 2024 pababa.

Alinsunod sa RPVARA Law, walang ipapataw na penalty o interes sa mga magbabayad bago ang Hulyo 5, 2026. Nauna nang nagpadala ng notice of delinquency ang tanggapan sa mga kinauukulan, at ang mga hindi makasusunod ay maaaring mapasama sa listahan ng mga ari-ariang isasailalim sa subasta. Ipinaalala rin ng mga tagapagsalita na batay sa Ordinansa Blg. 1289, ang advance payment ng real property tax para sa susunod na taon na may 20% discount ay maaari lamang bayaran hanggang Disyembre 15, mula sa dating deadline na Disyembre 30. Samantala, patuloy ding naglilingkod ang mga kawani ng RPT Division sa mga mini city hall sa Macarascas, San Rafael, at Bahile mula Lunes ng hapon hanggang Huwebes ng tanghali upang tumugon sa mga katanungan ng publiko.

Hindi naman pansamantalang mapagseserbisyuhan ang Mini City Hall sa Barangay Napsan dahil sa hindi pa naaayos na internet connection. Bukas din ang Tanggapan ng Ingat-Yaman ng lungsod, sa pamamagitan ng RPT Division, para sa mga may katanungan ukol sa real property tax. Maaaring makipag-ugnayan ang publiko sa pamamagitan ng kanilang opisyal na Facebook page kung saan nakasaad ang kanilang contact details. Bukod sa usapin ng pagbubuwis, tinalakay rin sa mga barangay assembly ang iba pang mahahalagang paksa tulad ng pananalapi ng barangay, kapayapaan at kaayusan, mga proyekto, fire safety, at iba pang serbisyong pampubliko. Dumalo rin sa mga nasabing aktibidad ang mga kinatawan mula sa Department of the Interior and Local Government, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, at PAG-IBIG Fund.

#PuertoPrincesaCity #CityTreasurersOffice

Similar Posts