| |

MOTOCROSS COMPETITION 2026 | AWARDING CEREMONIES πŸ†

MOTOCROSS COMPETITION 2026 | AWARDING CEREMONIES 🏆

Pinarangalan ang husay at tagumpay ng mga riders na nagpakitang-gilas sa ginanap na Motocross Competition 2026 sa Puerto Princesa noong ika-20 at ika-21 ng Marso.

Sa bawat ikot ng karera, namayani ang sipag, bilis, at matinding determinasyon ng mga kalahok sa isang mabangis ngunit kapana-panabik na laban. Lahat ay nagbigay ng kanilang pinakamahusay na performance—walang umatras, walang nagpahuli—upang makaungos at maangkin ang tagumpay sa Moto 1, Moto 2, at sa pinakahihintay na Overall Rankings.

Lalong naging kapana-panabik ang kompetisyon sa world-class na Sta. Lucia, Puerto Princesa Motocross Park, na may habang mahigit 3 kilometro at dinisenyo upang subukin ang kakayahan ng bawat rider sa pamamagitan ng dekalidad at teknikal na mga hamon sa bawat bahagi ng track. Dahil sa natatanging disenyo at kondisyon nito, kinikilala ito ng mga riders mula sa iba’t ibang panig ng bansa at maging ng mga dayuhang kalahok bilang isa sa mga pinakamahuhusay na race track sa Asya.

Ang mga larawang ito mula sa awarding ceremony ay sumasalamin hindi lamang sa tagumpay ng mga nanalo, kundi pati na rin sa di matatawarang dedikasyon ng bawat rider na lumaban nang buong puso.

Pagpupugay sa lahat ng mga kampeon at kalahok—kayo ang tunay na buhay at inspirasyon ng motocross!

Nasa link ang listahan ng mga nagwaging riders:
https://www.facebook.com/share/p/18X3QKASXg/
https://www.facebook.com/share/p/18BeYWKr3m/
https://www.facebook.com/share/p/1YeFvtkjoU/

#Motocross2026 #PuertoPrincesaCity #PPCMotocrossPark #AwardingCeremon #OverallChampions

Similar Posts