KABATAANG LIDER, PINURI NI MAYOR LUCILO R. BAYRON SA SK EXCELLENCE AWARDS 2025

Pinuri ni Mayor Lucilo R. Bayron ang dedikasyon, inobasyon, at serbisyo publiko ng mga kabataang lider sa isinagawang SK Excellence Awards 2025 na ginanap noong Disyembre 13, 2025. Dumalo ang alkalde sa pagtitipon bilang suporta at pagkilala sa mga natatanging SK officials at program implementors ng lungsod.

Ayon kay Mayor Bayron, ang naturang parangal ay naglalayong bigyang-inspirasyon ang kabataan na maging aktibong lider sa kanilang komunidad. Binigyang-diin sa programa ang kahalagahan ng malikhaing paglilingkod at ang kakayahan ng mga kabataan na bumuo ng solusyon sa mga suliranin ng bayan.

Pinuri rin niya ang mga awardees at mga best program implementors, at hinikayat ang mga SK officials na hindi nabigyan ng parangal na ipagpatuloy ang kanilang mga proyekto.

“Ang bawat inisyatibo ng kabataan ay mahalaga at bahagi ng mas malaking adhikain para sa kaunlaran ng Puerto Princesa.” Ani Mayor Bayron

Ang naturang aktibidad ay isang pagkakataon din upang ipagdiwang ang dalawang taong serbisyo ng mga SK officials, at ipaalala sa publiko na ang kabataan ang susunod na henerasyon ng mga lider at public servant na may malasakit sa lungsod.

Sa kaniyang pagtatapos, muling ipinakita ng alkalde ang kanyang suporta sa kabataang lider ng Puerto Princesa: “Mabuhay ang Puerto Princesa at mabuhay ang kabataang naglilingkod!”

Similar Posts