MAYOR BAYRON SA GAWAD PARANGAL 2026: HIGIT SA HABA NG SERBISYO, PAGKILALA ITO SA INYONG MALASAKIT AT SAKRIPISYO

“Ito ay hindi lamang pagkilala sa haba ng inyong serbisyo. Ito ay pagkilala sa inyong sakripisyo, dedikasyon, katapatan at malasakit sa mga kababayan natin.”

Ito ang taos-pusong mensahe ni Mayor Lucilo R. Bayron sa mga natatanging lingkod-bayan na binigyang pagkilala sa CGPP Gawad Parangal 2026 na bahagi pa rin ng pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary ngayong Setyembre.

Tampok sa seremonya ang pagbibigay ng Service Milestone Incentive Awards sa 92 empleyado bilang pagkilala sa kanilang matagal nang paninilbihan sa pamahalaang lungsod. Kabilang dito ang 62 kawani na umabot sa 10 taon at 27 kawani na umabot ng 20 taon sa serbisyo.

Kinilala rin ang 27 empleyado na tumanggap ng Kahusayan at Kadalubhasaan Award, 3 kawani na tumanggap ng CGPP Agency Award categories at 2 lingkod-bayan na tumanggap ng Special Citation Awards.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Bayron na ang pagkilala ay hindi lamang nakabatay sa haba ng panunungkulan, kundi lalo’t higit sa mga pagpapahalagang ipinamalas ng mga lingkod-bayan sa kanilang paglilingkod.

Dagdag pa ng punong lungsod, ang dedikasyon ng mga kawani ay mahalagang bahagi ng patuloy na paghahatid ng serbisyo para sa mga Puerto Princesan.

“Sampung taon…Dalawampung taon… Sa mahabang panahong iyan, maraming hamon at maraming pagbabago ang inyong hinarap ngunit nanatili ngayong tapat sa inyong tungkulin. Kaya sa lahat Ng awardees, maraming, maraming salamat! Ang inyong serbisyo ay bahagi ng tagumpay ng Pamahalang Lungsod ng Puerto Princesa!” pahayag ni Mayor Bayron.

#MayorLuciloBayron

#PuertoPrincesa

Similar Posts