
Pormal na iprinisenta ni PMAJ Alevic R. Rentino kay Mayor Lucilo R. Bayron ang 44 police trainees mula sa Batch 2025-01 Siklab Tala ng Puerto Princesa City Police Office sa isinagawang courtesy call kahapon, Setyembre 8, 2026.
Kasama rin sa courtesy call ang mga Field Training Officers na gumagabay sa mga trainees. Mainit namang tinanggap ni Mayor Bayron ang grupo na magiging katuwang sa pagpapanatili ng kaligtasan, kapayapaan, at kaayusan sa lungsod ng Puerto Princesa.
Kasalukuyang sumasailalim sa Public Safety Basic Recruit Course ang mga trainees bilang bahagi ng kanilang paghahanda at pagsasanay bago tuluyang magampanan ang kanilang tungkulin bilang mga tagapagpatupad ng batas.
Ang mga trainees ay mula sa Puerto Princesa City at iba’t ibang munisipyo sa Palawan, kabilang ang walong kababaihan.
