
Mainit na tinanggap ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa ang delegasyon mula sa Barangay Batasan Hills, Quezon City, na nagsagawa ng benchmarking activity sa lungsod noong Nobyembre 17, 2026.
Bilang kinatawan ni Mayor Lucilo R. Bayron, pinangunahan ni Assistant City Administrator at GAD Focal Person Carlo Abogado ang pagtanggap sa 28-kataong delegasyon na binubuo ng mga opisyal ng barangay, miyembro ng Barangay Gender and Development Focal Point System (BGDFPS), GAD Secretariat, at mga kawani ng Barangay Batasan Hills.
Layunin ng kanilang pagbisita na matutuhan at mapag-aralan ang mga programa, sistema, at pinakamahuhusay na pamamaraan o best practices ng Puerto Princesa City Government sa pagpapatupad ng Gender and Development (GAD), gayundin ang pagpapalitan ng kaalaman at karanasan sa pagitan ng dalawang pamahalaang lokal.
Sa pamamagitan ng ganitong mga benchmarking activity, naibabahagi ng Puerto Princesa ang mga karanasan at inisyatiba nito sa pagsusulong ng gender equality at inclusive development, habang napagtitibay rin ang ugnayan at pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan.
