MAYOR BAYRON, PORMAL NA TINANGGAP SI PANGULONG BONGBONG MARCOS SA KANYANG IKAAPAT NA PAGBISITA SA PUERTO PRINCESA

Pormal na tinanggap ni Mayor Lucilo R. Bayron si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ikaapat na pagbisita sa Lungsod ng Puerto Princesa ngayong araw, Hulyo 23, 2026.

Sa ngalan ng Puerto Princesa City Government at ng mga Puerto Princesan, nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat sa kayang welcome remarks ang alkalde sa patuloy na suporta ng Pangulo sa lungsod.

Kabilang sa mga ipinagpasalamat ni Mayor Bayron ang pamamahagi ng bigas sa mga benepisyaryo, pagbibigay ng Presidential Scholarship na nagkakahalaga ng ₱20,000 bawat isa para sa 330 fourth-year college students, gayundin ang pagkakaloob ng mga tents, upuan, computers, printers, at iba pang administrative & office equipment para sa 66 barangay ng lungsod.

“Maraming salamat din po Ginoong Pangulo sa P50-M para sa limang infrastructure projects sa ilalim ng Local Government Support Fund. Natanggap na rin po namin ‘yung P48-M para sa pamamahagi ng bigas para sa P16,000 Puerto Princesan family beneficiaries, bawat buwan sa loob ng anim na buwan,” dagdag pa ng alkalde.

Hinikayat din ng alkalde ang Pangulo na inspeksyunin ang kasalukuyang itinatayong 5-Storey Low-Cost Housing Project sa Barangay Irawan sa ilalim ng Pambansang Pabahay Program. Ang proyektong ito, na pinondohan ng Social Housing Finance Corporation, ay itinatayo sa 22 ektaryang lupain ng City Government at inaasahang magkakaloob ng tahanan sa humigit-kumulang 6,030 pamilya sa pamamagitan ng apatnapu’t limang (45) 5-storey building.

#MayorLuciloBayron

#PuertoPrincesa

Similar Posts