
#𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧 || 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐋𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋 𝐁𝐔𝐃𝐆𝐄𝐓 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐋𝐔𝐍𝐆𝐒𝐎𝐃, 𝐀𝐏𝐑𝐔𝐁𝐀𝐃𝐎; 𝐊𝐀𝐑𝐀𝐆𝐃𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐎𝐍𝐃𝐎 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐑𝐀𝐘𝐎𝐑𝐈𝐃𝐀𝐃 𝐍𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐘𝐄𝐊𝐓𝐎 𝐍𝐆 𝐋𝐔𝐍𝐆𝐒𝐎𝐃
𝑵𝒐𝒓𝒎𝒂 𝑳𝒚𝒏 𝑫𝒂𝒗𝒆, 𝑪𝑰𝑶 𝑩𝒂𝒍𝒊𝒕𝒂
Mas mapapalakas pa ang pagpapatupad ng mga pangunahing programa at imprastrukturang magpapabuti sa serbisyo publiko matapos pagtibayin ng 𝟏𝟖𝐭𝐡 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐥𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝, 𝐬𝐚 𝐢𝐤𝐚𝐭𝐥𝐨 𝐚𝐭 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐬𝐚, 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝟒𝟏𝟏,𝟏𝟗𝟒,𝟒𝟏𝟔.𝟔𝟓 𝐒𝐞𝐜𝐨𝐧𝐝 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐁𝐮𝐝𝐠𝐞𝐭 ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa.
Ayon kay City Budget Officer Regina Cantillo sa kanyang presentasyon sa isinagawang sesyon, karagdagang pondo na naging posible dahil sa 𝐬𝐚𝐯𝐢𝐧𝐠𝐬 𝐚𝐭 𝐬𝐮𝐫𝐩𝐥𝐮𝐬 mula sa mga proyektong natapos na, may natipid na pondo, o hindi na kinailangang gastusan sa orihinal na halaga ang pinagmulan ng supplemental budget. Ito ay alinsunod sa umiiral na mga patakaran sa pamamahala ng pampublikong pondo at sumasalamin sa maingat na paggamit ng pondo ng bayan.
Kasabay ng patuloy na pagpapatupad ng mga programang nakapaloob sa 2026 Annual Budget, lumitaw rin ang mga bagong pangangailangan at prayoridad na nangangailangan ng agarang pagpopondo. Kabilang dito ang mga proyektong tutugon sa energy resiliency, flood mitigation, modernisasyon ng solid waste management, at pagpapalakas ng environmental conservation at sustainable tourism.
Kabilang sa popondohan ang 𝟖𝟎𝟎-𝐤𝐢𝐥𝐨𝐰𝐚𝐭𝐭 𝐇𝐲𝐛𝐫𝐢𝐝 𝐎𝐧-𝐆𝐫𝐢𝐝/𝐎𝐟𝐟-𝐆𝐫𝐢𝐝 𝐒𝐨𝐥𝐚𝐫 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐯𝐨𝐥𝐭𝐚𝐢𝐜 𝐏𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐒𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐇𝐚𝐥𝐥 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐱 upang magkaroon ng mas matatag at episyenteng suplay ng kuryente sa operasyon ng pamahalaan; ang 𝐏𝐡𝐚𝐬𝐞 𝐈𝐈 𝐧𝐠 𝐝𝐫𝐚𝐢𝐧𝐚𝐠𝐞 𝐬𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐡𝐢𝐦𝐢𝐤 𝐑𝐨𝐚𝐝 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐮𝐫𝐨𝐤 𝐁𝐮𝐡𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧 𝐌𝐚𝐧𝐮𝐞𝐥 upang mabawasan ang pagbaha sa lugar; at ang 𝐒𝐨𝐥𝐢𝐝 𝐖𝐚𝐬𝐭𝐞 𝐆𝐚𝐬𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐌𝐚𝐜𝐡𝐢𝐧𝐞 𝐅𝐚𝐜𝐢𝐥𝐢𝐭𝐲 bilang bahagi ng pagpapatupad ng circular economy at pagpapahusay ng solid waste management ng lungsod.
Maglalaan din ng pondo para sa 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐡𝐮𝐬𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐏𝐮𝐞𝐫𝐭𝐨 𝐏𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞𝐬𝐚 𝐔𝐧𝐝𝐞𝐫𝐠𝐫𝐨𝐮𝐧𝐝 𝐑𝐢𝐯𝐞𝐫, kabilang ang automation ng internal systems, environmental at heritage impact assessments, pagbili ng kinakailangang kagamitan, at pagkuha ng lupang pagtatayuan ng 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐞𝐫𝐯𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐑𝐞𝐬𝐞𝐚𝐫𝐜𝐡 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐟𝐨𝐫𝐦𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐂𝐚𝐛𝐚𝐲𝐮𝐠𝐚𝐧.
Ipinapakita ng pag-apruba ng supplemental budget na patuloy na ginagamit ng pamahalaang lungsod ang mga pondong nalilikom at natitipid upang matugunan ang mga pangangailangang lumilitaw habang nagpapatuloy ang implementasyon ng mga programa at proyekto. Layunin nitong matiyak na ang bawat pondong pampubliko ay nailalagak sa mga proyektong may direktang pakinabang sa mga mamamayan at sa pangmatagalang pag-unlad ng Puerto Princesa. #SangguniangPanlungsod #PuertoPrincesaCity
