
























#𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 || 𝟑𝐑𝐃 𝐏𝐔𝐄𝐑𝐓𝐎 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐂𝐄𝐒𝐀 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐘𝐎𝐔𝐍𝐆 𝐋𝐄𝐀𝐃𝐄𝐑𝐒 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃, 𝐈𝐃𝐈𝐍𝐀𝐎𝐒
Ipinagkaloob ang pagkilala sa mga natatanging kabataan at youth-serving organizations sa ginanap na 3rd Puerto Princesa City Young Leaders Award: Pagkilala at Pasasalamat noong Marso 28, 2026 sa NCCC Convention Center.
Pinangunahan ng City Youth Development Office ang aktibidad sa ilalim ng City Mayor’s Office, katuwang ang iba’t ibang ahensya at organisasyon ng kabataan. Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa Local Youth Development Council, DILG Puerto Princesa, National Youth Commission, at iba pang youth volunteers.
Sa kanyang welcome remarks, binigyang-diin ni City Youth Development Officer Ralph Richard M. Asuncion ang mahalagang papel ng kabataan sa patuloy na pag-unlad ng lungsod.
Nagbigay rin ng mensahe sina City DILG Director Myla B. Panganiban at National Youth Commission Area Officer Armando Jun Angeles, kung saan kanilang kinilala ang kontribusyon ng kabataan sa pagsusulong ng mabuting pamamahala at aktibong pakikilahok sa komunidad.
Itinampok sa aktibidad ang pagbibigay-parangal sa youth development partners, youth at youth-serving organizations, at ang paggawad ng 2026 Young Leaders Award para sa mga indibidwal na nagpakita ng natatanging liderato. Kabilang din sa ginawaran ang mga natatanging organisasyon sa ilalim ng Philippine Youth Development Plan (PYDP) at ang Top 10 Youth and Youth-Serving Organizations ng Puerto Princesa.
Sa closing remarks, binigyang-diin ni City SK Federation President at City Councilor Karl Dylan N. Aquino, sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Atty. Harey Lacson, ang patuloy na suporta ng pamahalaang panlungsod sa pagpapalakas ng kakayahan at partisipasyon ng kabataan.
Ang naturang aktibidad ay patunay ng pagkilala ng lungsod sa mahalagang papel ng kabataan bilang katuwang sa paghubog ng mas progresibo at inklusibong komunidad.
#PuertoPrincesaCity #CYDO
