
Ngayong February 25, 2026, nagpapatuloy ang pangalawang araw ng Ugnayan sa Barangay para sa mga rural barangays ng Puerto Princesa.
Kasama sa pag-distribute ng quarterly allowance para sa senior citizens, PWDs, solo parents, barangay tanods, at teaching and non-teaching personnel, ang pagdadala ng iba’t ibang serbisyo mula sa mga opisina ng City Government tulad ng libreng:
– Gamot, dental at medical check-up mula sa City Health Office
– Pananim na gulay tulad ng sitaw at seedlings tulad ng langka at guava mula sa City Agriculture Office
– Konsultasyon mula sa City Assessor’s Office, City Building Official, at City Engineering Office
– Konsultasyon, gamot, at bitamina para sa mga alagang hayop mula sa City Veterinary Office
Sa pagkakataong ito ay kasama rin natin ang Marines na nagbigay ng libreng gupit sa ating mga kababayan.
Ang mga barangay na kasama sa pangalawang araw ng Ugnayan sa Barangay para sa 1st quarter ng 2026 ay Langogan, Binduyan, Concepcion, Tanabag, San Rafael, at Babuyan.
