NATIONWIDE CLASSROOM BUILDING PROGRAM MOA SIGNING

Ngayong Pebrero 23, 2026, pormal na po nating nilagdaan ang Memorandum of Agreement kasama ang Department of Education (DepEd), sa pangunguna ni Secretary Sonny Angara, upang mapabilis ang pagpapatayo ng mga silid-aralan sa ating lungsod.

Kasama rin po natin sa araw na ito ang iba’t ibang city mayors mula sa iba’t ibang panig ng bansa, gayundin ang ating Pangulong Bongbong Marcos.

Buong-buo po ang ating suporta sa Nationwide Classroom Building Program upang mas mapaganda at mapabilis ang pagtatayo ng mga paaralan para sa ating mga mag-aaral.

Tuloy-tuloy lang po ang ating pagsisikap para sa mas maayos na learning spaces ng mga kabataan, ang tagapagmana ng Puerto Princesa. Para sa progresibong Puerto Princesa.

Similar Posts