
PARA SA MAS MALUSOG AT MATAMIS NA MGA NGITI NG PUERTO PRINCESANS
Dinagdagan ng City Government ang mga dental chair sa City Health Medical Complex para sa pagpapalakas ng oral health at lalong pagpapaganda ng mga ngiti ng Puerto Princesans.
Sa kasalukuyan, may naka-install nang apat (4) na dental chairs sa pasilidad at magdadagdag pa ng dentista upang mas maraming pasyente ang mapaunlakan—mula sa dating 25 pasyente lang kada araw, kaya na ngayong mapaglingkuran ang 50 pasyente kada araw.
“Luckily, mayroon ding nag-apply na dentist na magiging permanent. So magiging tatlo na sila na permanent positions then mayroon tayong part-time na dentist, so magiging lima. Actually, maglalagay pa tayo ng dental chair, para maging lima rin po iyon,” paliwanag ni City Health Officer Dr. Ricardo Panganiban.
Maaaring magtungo City Health Medical Complex sa F. Rafols Road, Brgy. Sta. Monica mula Lunes hanggang Biyernes para sa mga libreng dental services:
Free dental consultation
Free tooth extraction for children & adults
Free scaling & fluoridation of children’s teeth
Free tooth sealant for children
Free oral health education
