MAS PINATATAG NA IMPLEMENTASYON NG 4Ps, PINALAKAS SA PAMAMAGITAN NG MOA

Pinangunahan ni Mayor Lucilo R. Bayron ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa patuloy at mas pinaigting na implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Layunin ng kasunduan na matiyak ang tuloy-tuloy na suporta sa mga benepisyaryong pamilya, lalo na ang mga nagtapos o papalabas na sa programa, sa pamamagitan ng mas maayos na koordinasyon, lokal na mga programa, at serbisyong panlipunan ng lungsod.

Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Bayron, patuloy ang pagpapatupad ng mga hakbang upang masuportahan ang mga pamilya tungo sa mas matatag, sapat, at pangmatagalang kabuhayan.

Similar Posts