TINGNAN: Binisita ni Mayor Lucilo R. Bayron ang mga batang anak at kapamilya ng mga kawani ng City Government of Puerto Princesa na nakiisa sa CGPP Family Day nitong Setyembre 3, 2026, na inorganisa ng City Human Resource Management Office (HRMO) bilang bahagi ng pagdiriwang ng Civil Service Month 2026.

“Ngayon ay araw para sa pamilya, araw para mag-bonding. Kinikilala ko na sa likod ng bawat isang kawani ng pamahalaang lungsod ay ang kanilang pamilya na nagbibigay-inspirasyon, sumusuporta, at nakauunawa sa sitwasyon ng kanilang trabaho dito sa Pamahalaang Lungsod,” mensahe ni Mayor Bayron.

Tampok sa ginanap na CGPP Family Day ang iba’t ibang masasaya at makabuluhang aktibidad para sa mga kawani at kanilang pamilya, kabilang ang maikling lecture na may temang “Connected Online, Connected at Home.”

Nagkaroon din ng mga palaro, face painting, at photobooth, gayundin ng libreng ice cream at gulaman juice para sa mga chikiting. Sa pagtatapos ng programa, namahagi rin ang HRMO ng meryenda at loot bags para sa mga batang dumalo.

Sa pamamagitan ng CGPP Family Day, nabigyang-halaga ang mahalagang papel ng pamilya bilang katuwang at inspirasyon ng mga kawani sa kanilang paglilingkod sa Pamahalaang Lungsod.

#MayorLuciloBayron

#PuertoPrincesa

Similar Posts