2026 3RD QUARTER UGNAYAN SA BARANGAY DAY 3

Ngayong araw, Agosto 27, 2026, ay naghatid ng serbisyong gobyerno si Mayor Lucilo R. Bayron, mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa, at iba’t ibang mga ahensya sa mga barangay ng Langogan, Binduyan, Concepcion, Tanabag, San Rafael, at Babuyan.

Ang Ugnayan sa Barangay ay isang programang sinimulan ni Mayor Lucilo R. Bayron noong 2017 upang masiguro na walang maiiwan sa pag-unlad ng Puerto Princesa, sa pamamagitan ng pag-abot ng serbisyo hanggang sa pinakamalalayong barangay ng lungsod.

Sa ilalim ng Ugnayan sa Barangay, ang bawat rural household ay nakakatanggap ng ( 8 kls.) ng bigas bawat quarter at idinadala ang iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan tulad ng:

▪️ Libreng gamot, dental, at medical check-up mula sa City Health Office

▪️ Libreng pananim na gulay at mga seedlings mula sa City Agriculture Office

▪️ Murang produktong gulay sa ilalim ng Kadiwa Market ng City Agriculture Office

▪️ Libreng vitamins, ligate, o spay para sa mga alagang hayop mula sa City Veterinary Office

▪️ Konsultasyon mula sa City Assessor’s Office, City Engineering Office, etc.

▪️ Pag-aasikaso ng mga dokumento sa City Registrar’s Office, etc.

Kasama rin sa Ugnayan sa Barangay ang pag-distribute ng:

▪️ ₱3,000 quarterly allowance para sa senior citizens, PWDs, solo parents, at barangay tanods.

▪️ ₱6,000 cash allowance ng teaching and non-teaching personnel.

Inanunsyo rin ni Mayor Lucilo Bayron, na sa simula sa susunod na quarter, ay uumpisahan na ang digitalization ng mga allowance para sa Senior Citizens, PWD, Tanod, at Solo Parents, tulad ng Student Assistance Program (SAP)

Ang Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa, sa pamumuno ni Mayor Lucilo R. Bayron, ay magpapatuloy lang sa paghahatid ng serbisyo sa lahat ng mga barangay, tungo sa isang progresibong Puerto Princesa kung saan ay walang maiiwan sa pag-unlad.

#UgnayansaBarangay

#PuertoPrincesa#MayorLuciloBayron

Similar Posts