|

πŒπ€π‚π€π‘π€π’π‚π€π’ π’π€π“π„π‹π‹πˆπ“π„ 𝐀𝐍𝐃 πƒπˆπ€π†ππŽπ’π“πˆπ‚ π‚π‹πˆππˆπ‚, πŒπ€π˜ π’π€π‘πˆπ‹πˆ 𝐍𝐀𝐍𝐆 πƒπˆπ†πˆπ“π€π‹ 𝐗-π‘π€π˜ πŒπ€π‚π‡πˆππ„; π‹πˆππ‘π„ππ† π‹π€ππŽπ‘π€π“πŽπ‘π˜ π’π„π‘π•πˆπ‚π„π’, ππ”ππ”πŠπ’π€π 𝐍𝐀 π‘πˆπ

#𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠𝐊𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧 || 𝐌𝐀𝐂𝐀𝐑𝐀𝐒𝐂𝐀𝐒 𝐒𝐀𝐓𝐄𝐋𝐋𝐈𝐓𝐄 𝐀𝐍𝐃 𝐃𝐈𝐀𝐆𝐍𝐎𝐒𝐓𝐈𝐂 𝐂𝐋𝐈𝐍𝐈𝐂, 𝐌𝐀𝐘 𝐒𝐀𝐑𝐈𝐋𝐈 𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐆𝐈𝐓𝐀𝐋 𝐗-𝐑𝐀𝐘 𝐌𝐀𝐂𝐇𝐈𝐍𝐄; 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐁𝐎𝐑𝐀𝐓𝐎𝐑𝐘 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄𝐒, 𝐁𝐔𝐁𝐔𝐊𝐒𝐀𝐍 𝐍𝐀 𝐑𝐈𝐍

Maya Estandian, CIO Balita

Mas pinalawak at mas pinahusay pa ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa ang serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad matapos pormal na i-commission ang bagong Digital X-ray Machine at Clinical Laboratory sa Macarascas Enhanced Satellite and Diagnostic Clinic nitong Hulyo 7.

Pinangunahan ni Mayor Lucilo R. Bayron ang commissioning ng bagong pasilidad bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mailapit ang de-kalidad at maagap na serbisyong medikal sa mga residente ng Barangay Macarascas at mga karatig na barangay.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Bayron na ang tunay na layunin ng pamahalaan ay hindi lamang ang paggamot sa sakit kundi ang maagapan ang paglala ng mga karamdaman sa pamamagitan ng pagbibigay ng agarang access sa mga pangunahing serbisyong pangkalusugan.

“Prevention ang ating pokus dahil, gaya ng lagi kong sinasabi, an ounce of prevention is worth a pound of cure,” ani Mayor Bayron. Dagdag pa niya, mahalagang maging abot-kamay ng bawat Puerto Princesan ang mga pangunahing serbisyong medikal upang hindi na lumala pa ang kanilang kondisyon bago makapagpagamot.

Ayon naman kay City Health Officer Dr. Ricardo Panganiban, malaking hakbang ang paglalagay ng digital x-ray machine sa pagpapabilis ng diagnosis at gamutan ng mga pasyente. Dahil digital na ang teknolohiya, hindi na kinakailangan ng x-ray film kaya mas mabilis ang pagproseso at pagbibigay ng resulta sa mga doktor at pasyente.

Binigyang-diin din ni Dr. Panganiban na patuloy na isinusulong ng City Health Office ang layunin ng administrasyon ni Mayor Bayron na ilapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad upang maiwasan ang paglala ng mga sakit sa pamamagitan ng maagap na konsultasyon at tamang diagnosis.
Bukod sa digital x-ray machine, bubuksan na rin sa nasabing pasilidad ang libreng clinical laboratory services kabilang ang Complete Blood Count (CBC), Urinalysis, at Blood Chemistry. Ang mga pangunahing laboratory examinations na ito ay makatutulong sa mas mabilis at mas tumpak na pagsusuri ng mga karamdaman, habang nakababawas din sa oras, gastusin, at abala ng mga pasyenteng dati pang kinakailangang bumiyahe patungo sa sentro ng lungsod upang makapagpa-laboratoryo.

Samantala, sinabi rin ni Dr. Panganiban na nakatakda ring lagyan ng kaparehong digital x-ray machine at laboratory facilities ang San Rafael Satellite and Diagnostic Clinic at Luzviminda Satellite and Diagnostic Clinic bilang bahagi ng patuloy na pagpapalawak ng mga serbisyong pangkalusugan sa buong Puerto Princesa.

Sa pamamagitan ng mga bagong pasilidad na ito, lalo pang pinagtitibay ng pamahalaang panlungsod ang layunin nitong gawing mas accessible, mas mabilis, at mas dekalidad ang serbisyong medikal para sa bawat Puerto Princesan—patunay na ang pangangalaga sa kalusugan ay nananatiling isa sa pangunahing prayoridad ng administrasyon ni Mayor Lucilo R. Bayron. #GabayPangkalusugan #PuertoPrincesaCity

Similar Posts