GOOD LUCK SA ATING MGA MOTOCROSS RIDERS!

Pinangunahan ni Mayor Lucilo R. Bayron ang ribbon-cutting ceremony bilang hudyat ng opisyal na pagbubukas ng Motocross Competition 2026 na ginanap sa Motocross Park, Barangay Sta. Lucia, kahapon, March 20, 2026.

Kabilang sa mga kategorya ang Open Production, Intermediate at Novice Production, Open at Novice Enduro, Intermediate Enduro, MX35 at MX40 Open, Expert, Scooter/Pantra, at Pitbike, na nilahukan ng mga local, national, at international riders.

Nakiisa ang alkalde sa panonood bilang pagpapakita ng kanyang suporta sa mga rider, kung saan nasaksihan ang matinding aksyon at kahanga-hangang husay ng mga kalahok sa iba’t ibang kategorya.

Matapos ang unang araw ng kompetisyon, siya rin ang nag-award sa mga nanalo sa Open Pro category Moto 1.

Magpapatuloy ngayong araw ang Day 2 ng kompetisyon kung saan inaasahan ang mas matinding bakbakan mula sa mga rider.

“Good luck sa lahat ng riders. Ipakita ninyo ang inyong galing at talento, ngunit higit sa lahat, unahin natin ang kaligtasan sa buong kompetisyon,” pahayag ni Mayor Bayron.

Similar Posts