CONGRATULATIONS, SUBARAW FESTIVAL QUEEN 2026!

Buong puso kong binabati si Angela Joyce Tabago ng Camarines Norte, ang ating bagong Subaraw Festival Queen 2026, gayundin ang lahat ng mga nagwagi at kandidatang nagpakitang-gilas sa ginanap na Coronation Night noong Nobyembre 10 sa Edward S. Hagedorn Coliseum!

Lubos akong natutuwa at nagpapasalamat na naging bahagi ng ating Subaraw Biodiversity Festival 2026 ang mga mahuhusay na kababaihan mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Isang karangalan para sa ating lungsod na maging tahanan ng pagdiriwang na nagbibigay-halaga hindi lamang sa kagandahan, kundi maging sa talino, kumpiyansa at malasakit sa kalikasan.

Personal kong binabati ang ating mga nagwagi:

👑 SUBARAW FESTIVAL QUEEN 2026

ANGELA JOYCE TABAGO – Camarines Norte

🥈 1ST RUNNER-UP

ALIYA CLEM EÑA ROHILLA – Manila

🥉 2ND RUNNER-UP

FAITH DWEYNE VILLANUEVA – Sorsogon

SPECIAL AWARDS

🏅 Miss 7Q Corporation – Thalia Abdulkahal

🏅 Miss Converge – Benjielyn Arquero

🏅 Miss SM Shoppers Award – Nelly Marie Bacomo

🏅 Best in Evening Gown – Angela Joyce Tabago

🏅 Miss Citystate Award – Aliya Clemeña Rohilla

🏅 Best in Production – Angela Joyce Tabago

🏅 Best in Swimsuit – Maria Cecilia Axelsson

🏅 Miss Friendship – Angela Joyce Tabago

🏅 Miss Photogenic – Aliya Clemeña Rohilla

🏅 Miss Subaraw Influencer Award – Angela Joyce Tabago

🏅 Designers Choice Award – Jasmine Ando

Sa aking mensahe noong koronasyon, binigyang-diin ko na ang gabing ito ay hindi lamang para koronahan ang isang reyna, kundi upang kilalanin ang ganda, talino, lakas ng loob at natatanging kakayahan ng bawat kandidata.

Para sa akin, lahat kayo ay nagwagi. Hanga ako sa inyong ipinakitang husay, dedikasyon at kumpiyansa. Nawa’y patuloy kayong maging inspirasyon sa ating mga kabataan at gamitin ang inyong tinig upang isulong ang pangangalaga sa kalikasan at biodiversity.

Taos-puso rin akong nagpapasalamat sa mga organizer, sponsors, hurado at sa lahat ng nakiisa upang maging matagumpay ang pagdiriwang na ito.

Muli, congratulations sa inyong lahat! Ipinagmamalaki namin kayo at lagi kayong malugod na tatanggapin dito sa Puerto Princesa!

Mabuhay ang Subaraw Festival Queen 2026! Mabuhay ang Puerto Princesa!

#MayorLuciloBayron

#PuertoPrincesa

Similar Posts