
“Kahit nasa sulok kami, napansin n’yo po kami at biniyayaan ng isang Standard Daycare Center. ‘Yung dating may tulo at pinapasok ng ulan, ngayon mapapalitan na ng komportable at maayos na silid-aralan para sa mga katutubong bata. Sobrang saya po talaga namin.”
Ito ang taos-pusong pasasalamat ni teacher Carol Jala, isang guro sa day care, kaugnay ng isinagawang Groundbreaking Ceremony para sa konstruksyon ng Standard Day Care sa Sitio Bayatao, Barangay Tagabinet, nitong Setyembre 9, 2026.
Aniya, isa itong pangarap na nabigyan ng katuparan lalo pa’t maraming kabataang katutubo sa kanilang komunidad ang makikinabang sa proyektong ito ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa sa pamumuno ni Mayor Lucilo R. Bayron.
Ayon kay Mayor Bayron, patunay ang proyektong ito ng walang humpay na pagsusulong niya ng isang inclusive governance.
“Dito sa Puerto Princesa, inclusive tayo. Walang maiiwanan sa paglago at pag-asenso ng Puerto Princesa. Ang mga liblib na lugar, kailangang nakaka-usad din sila at nakasasabay sa development na nangyayari sa ating lungsod,” bahagi ng mensahe ni Mayor Bayron sa groundbreaking ceremony.
Moderno ang disenyo at conducive for learning ang itatayong Day Care sa lugar. Bahagi ito ng pagsisikap ng pamahalaang lungsod na makapagbigay ng ligtas, maayos, at child-friendly na pasilidad para sa mga batang nangangailangan ng de-kalidad na early childhood education.
“Itong Day Care Center ay hindi pormal na kasama sa education sector pero dito nagsisimula ang mga kabataan – nagsisimulang magkaroon ng kaibigan, natututong makibagay sa iba at makinig sa guro. Dito namumulat ang kanilang kaisipan sa pormal na pag-aaral. Sabi nga ng mga taga-DepEd, ‘yung nagdaan ng Day Care ay mas mahusay na Kindergarten,” paliwanag ni Mayor Bayron.
Ang naturang proyekto na idinisenyo ng Office of the City Architect ay may kabuuang pondo na P6,464,000.00 mula sa General Fund 2026 at inaasahang matatapos sa loob ng 150 calendar days.
“Sa mga taga-rito kasiyahan namin na magkaroon ng project dito,” dagdag pa ng punong lungsod.
Narito ang design & features ng Day Care Center batay sa project description nito:
• 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱-𝗙𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱𝗹𝘆 𝗔𝘁𝗺𝗼𝘀𝗽𝗵𝗲𝗿𝗲:
Gagawing makulay ang dingding at may painted drawings
• 𝗦𝘁𝘂𝗿𝗱𝘆 𝗖𝗼𝗻𝘀𝘁𝗿𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻:
Fully concrete structure ang gusali na may matibay na bubong at concrete parapet upang maging matatag at pangmatagalan; naka-tiles ding ang flooring
• 𝗚𝗼𝗼𝗱 𝗩𝗲𝗻𝘁𝗶𝗹𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻:
May fixed window sa harapan, jalousie windows sa gilid
• 𝗦𝗮𝗳𝗲𝘁𝘆 𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁:
May 360-meter perimeter fence at 4-meter gate upang matiyak ang seguridad ng mga day care pupils
• 𝗞𝗶𝘁𝗰𝗵𝗲𝗻:
Magkakaroon ng well-eqiupped kitchen para sa paghahanda ng pagkain at pagtugon sa nutritional needs ng mga bata
• 𝗣𝗹𝗮𝘆𝗴𝗿𝗼𝘂𝗻𝗱:
May 83.22 sqm na playground na may monkey bar, slide at swing
