MAYOR BAYRON, PINANGUNAHAN ANG OATH-TAKING NG MGA BAGONG OPISYAL NG PUERTO PRINCESA CITY SPA ASSOCIATION

Pinangunahan ni Mayor Lucilo R. Bayron kahapon, Setyembre 8, 2026 ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na opisyal ng Puerto Princesa City SPA Association, sa pangunguna ng kanilang Pangulo na si Raquel Bacuel, na ginanap sa City Mayor’s Office.

Nabuo ang samahan sa inisyatiba ng mga spa owners sa lungsod, katuwang ang City Tourism Office, upang higit na mapagtibay ang pagkakaisa, propesyonalisasyon, at patuloy na pag-unlad ng spa at wellness industry sa Puerto Princesa.

Nagpaabot naman si Mayor Bayron ng pagbati sa mga bagong opisyal at hinikayat silang patuloy na makipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod sa pagsusulong ng mga programang makatutulong sa kanilang sektor at sa pagpapalakas ng turismo at lokal na ekonomiya ng Puerto Princesa.

#MayorLuciloBayron

#PuertoPrincesa

Similar Posts