ππ”π„π‘π“πŽ ππ‘πˆππ‚π„π’π€ ππ‘πˆπƒπ„: 𝐏𝐍𝐒 𝐖𝐔𝐒𝐇𝐔 π“π„π€πŒ, 𝐍𝐀𝐆-π”π–πˆ 𝐍𝐆 πŸ” 𝐍𝐀 πŒπ„πƒπ€π‹π˜π€ 𝐒𝐀 𝐏𝐒𝐂 ππ€π“πˆπŽππ€π‹π’

#𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠𝐈𝐬𝐩𝐨𝐫𝐭𝐬 || 𝐏𝐔𝐄𝐑𝐓𝐎 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐂𝐄𝐒𝐀 𝐏𝐑𝐈𝐃𝐄: 𝐏𝐍𝐒 𝐖𝐔𝐒𝐇𝐔 𝐓𝐄𝐀𝐌, 𝐍𝐀𝐆-𝐔𝐖𝐈 𝐍𝐆 𝟔 𝐍𝐀 𝐌𝐄𝐃𝐀𝐋𝐘𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐒𝐂 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋𝐒

𝐑𝐨𝐛𝐢𝐧 𝐄𝐬𝐭𝐫𝐞𝐥𝐥𝐚, 𝐂𝐈𝐎 𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚

Nagmarka ng matinding impresyon at naghatid ng karangalan ang PNS Wushu Team ng Puerto Princesa matapos sumabak sa 2026 PSC National Championship (Sanda at Taolu) na ginanap sa Maynila mula Abril 11 hanggang 17.

Sa gitna ng mahigpit na kompetisyon na dinaluhan ng mga piling atleta mula sa iba’t ibang rehiyon, pinatunayan ng koponan ang kanilang tapang at husay sa laban, tangan ang bandera ng Puerto Princesa. Bitbit ang pride bilang mga atleta ng lungsod, nagpakitang-gilas ang PNS Wushu Team at nag-uwi ng kabuuang anim na medalya—dalawang pilak at apat na tanso—bilang patunay ng kanilang disiplina, determinasyon, at pusong mandirigma.

Pinangunahan nina Atom Tomas at Reymond Dave Belda ang kampanya sa pagkuha ng tig-isang pilak na medalya, habang sina Shekaina Miras, Janelle Salazar, Nicole Jagmis, at Adrian Obland ay nagdagdag ng tig-iisang tansong medalya sa medal tally ng koponan.

Sa isang pahayag, kinilala ni Head Coach William Riñon ang mahalagang papel ng suporta mula sa kanilang paaralan at komunidad. Aniya, malaking bagay ang tiwala at tulong na ipinagkaloob ng kanilang School Principal, PTA, at SSLG upang maisakatuparan ang kanilang paglahok sa pambansang torneo.
Higit pa sa mga medalya, ang ipinamalas ng PNS Wushu Team ay sumasalamin sa matibay na pagkakakilanlan ng mga atletang Puerto Princesa—mapagkumbaba ngunit palaban, disiplinado at determinado. Ang kanilang tagumpay ay hindi lamang personal na panalo kundi isang kolektibong karangalan na muling naglagay sa lungsod sa mapa ng national sports excellence.

Sa kanilang pagbabalik, hindi lamang tropeo at medalya ang kanilang dala kundi ang inspirasyon at dangal na iniaalay—isang malinaw na patunay na ang Puerto Princesa ay patuloy na lumilikha ng mga atletang kayang makipagsabayan sa pinakamataas na antas ng kompetisyon. #PNSNumber1 #CitySportsOffice #PuertoPrincesaCity

Similar Posts