IBA ANG BATANG PUERTO PRINCESA!

Binigyang pagkilala ni Mayor Lucilo R. Bayron ang mga batang nagwagi matapos makasungkit ng isang gold at tatlong bronze medals sa katatapos lamang na International Talent Mathematics Contest na ginanap sa Bangkok, Thailand. Kinilala sila sa isinagawang Flag Raising Ceremony kaninang umaga sa New Green City Hall Grounds.

Mga Nagwagi:

🥇 Raymund Kristobal Acosta

Salve Regina School

🥉 Aly Michalka Villafuerte Oh

🥉 Chris Tote Balberan

Palawan Hope Christian School

🥉 Sherien Joy Sumantig

Salve Regina School

Ayon kay Mayor Lucilo R. Bayron, patunay ang tagumpay ng mga mag-aaral na patuloy na umaangat ang kakayahan at talino ng kabataang Puerto Princesan sa larangan ng akademya.

“Congratulations sa inyong lahat. Iba talaga ang batang Puerto Princesa, puwede nating ipagmalaki. Hindi lang sports, pati sa academics. Magagaling talaga ang mga batang Puerto Princesa,” pahayag ni Mayor Bayron.

Similar Posts