PROUD OF OUR PUERTO PRINCESA ATHLETES!

May be an image of crowd

Binati ni Mayor Lucilo R. Bayron ang mga atletang Puerto Princesa sa isinagawang flag-raising ceremony ngayong araw, March 16, 2026, matapos ang kanilang kahanga-hangang performance sa 2026 MIMAROPA Regional Athletic Association (RAA) Meet na ginanap sa Sablayan, Occidental Mindoro, kung saan nakapag-uwi ang lungsod ng kabuuang 310 medalya mula sa kompetisyon.

Ayon kay Mayor Lucilo R. Bayron, makalipas ang dalawampung taon ay muling nakapagtala ng back-to-back championship ang Puerto Princesa, patunay sa patuloy na paghusay at dedikasyon ng mga atletang Puerto Princesan.

“20 years bago ulit nag back-to-back champion ang Puerto Princesa. Malaki ang naging lamang natin in terms of gold medals. Baka next year, inaasahan na maging back-to-back champion na naman tayo,” pahayag ni Mayor Bayron.

Matatandaang sinalubong din ng Pamahalaang Lungsod ang pagdating ng mga atleta nitong Linggo, March 15, 2026, sa pamamagitan ng isang welcoming ceremony kung saan naghanda rin ng simpleng hapunan bilang pasasalamat sa kanilang tagumpay at sa karangalang iniuwi nila para sa Puerto Princesa.

Ayon pa kay Mayor Bayron, patuloy na susuportahan ng Pamahalaang Lungsod ang mga atletang Puerto Princesan sa pamamagitan ng mga programang kumikilala sa kanilang sakripisyo at dedikasyon sa larangan ng palakasan.

“Patuloy nating susuportahan ang ating mga atleta upang lalo pang mahubog ang kanilang talento at maging inspirasyon sa susunod na henerasyon ng mga kabataang Puerto Princesan,” dagdag ng alkalde.

Samantala, alinsunod sa Puerto Princesa City Ordinance No. 1207, makatatanggap din ng cash incentives mula sa Pamahalaang Lungsod ang mga nagwaging atleta bilang pagkilala sa kanilang tagumpay sa kompetisyon.

Similar Posts