PUERTO PRINCESA, ISA SA PINAKAMABILIS NA UMUUNLAD AT PINAKA-COMPETITIVE NA LUNGSOD SA 2024 DTI INDEX

PuertoPrincesaIbaKaTalaga || PUERTO PRINCESA, ISA SA PINAKAMABILIS NA UMUUNLAD AT PINAKA-COMPETITIVE NA LUNGSOD SA 2024 DTI INDEX

Patuloy na ipinapamalas ng Puerto Princesa City ang galing sa pamamahala at kaunlaran matapos makamit ang mataas na puwesto sa 2024 Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) ng Department of Trade and Industry (DTI).

Sinusukat ng CMCI ang ginagampanan ng mga lokal na pamahalaan batay sa limang pangunahing aspeto: Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, Resiliency, at Innovation.

Sa 2024 CMCI rankings para sa tatlimpu’t tatlong (33) Highly Urbanized Cities, umangat ang Puerto Princesa sa ikalabing-anim na puwesto (rank 16) na may kabuuang score na 40.23, patunay ng mabilis na progreso ng lungsod.

Sa limang pangunahing pillars:

  • Infrastructure: ikawalo o rank 8 (7.7017) – nagpapakita ng mabilis na pag-usad sa imprastruktura at pampublikong pasilidad.
  • Resiliency: ika-labintatlo o rank 13 (12.0957) – sumasalamin sa kakayahan ng lungsod sa kahandaan sa sakuna at pagpapalakas ng komunidad.
  • Government Efficiency: ika-dalawampu’t isa o rank 21 (10.3604) – pagpapabuti ng pamahalaan sa pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan.
  • Innovation: ika-dalawampu’t lima o rank 25 (7.2774) – pagtataguyod ng mga makabagong programa at solusyon sa lokal na pamahalaan.
  • Economic Dynamism: ika-tatlumpo o rank 30 (2.7949) – indikasyon ng paglago at aktibidad ng lokal na ekonomiya.

Ayon kay CMCI Focal Person at LEDIP Officer Lorraine Banzuelo, ang mataas na ranking ay bunga ng patuloy na pagpapaunlad ng imprastruktura, social services, at programa para sa urban at rural na lugar. Ang mga hakbang na ito ay tumutulong sa pagpapalakas ng ekonomiya, pagbuti ng serbisyo sa mga residente, at pagpapalakas ng imahe ng lungsod bilang kaaya-ayang destinasyon para sa pamumuhunan.

Patunay ang pagkilala ng CMCI ng tumataas na competitiveness at commitment ng Puerto Princesa City sa pag-unlad, at nagpapakita ng determinasyon ng lokal na pamahalaan na higit pang paigtingin ang serbisyong pampubliko at kalidad ng buhay para sa lahat ng residente. #PuertoPrincesaCity #ProgresibongPuertoPrincesa

Similar Posts