
TINGNAN: Pinangunahan ni Mayor Lucilo R. Bayron ang inagurasyon ng bagong entablado sa Barangay Tagabinet kahapon, Disyembre 17, 2025 (Miyerkules).
Ang entabladong ito ay bahagi ng Bayanihan sa Barangay program ng City Mayor’s Office – Puerto Princesa, isang programang tumututok sa paggawa ng maliliit na imprastrukturang proyekto sa tulong ng bayanihan sa bawat barangay.
