GOOD NEWS, MGA PREGGY MOMMIES!

Hindi na kailangang gumastos ng ₱900 – ₱1,800 para sa pelvic ultrasound ng mga buntis na nanay sa Puerto Princesa!

Mayroon nang LIBRENG ULTRASOUND para sa mga buntis na kliyente ng City Health Medical Complex (MedCom):

🗓️ Tuwing Martes – Libreng Ultrasound

🗓️ Tuwing Huwebes – Tuloy-tuloy na Pre-natal Check-up

Hanggang 15 buntis ang maaaring magpa-ultrasound kada araw ng Martes basta’t may Doctor’s Order mula sa doktor ng City Health MedCom.

Ang dagdag serbisyong medikal na ito ay hatid ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa upang masiguro ang ligtas at malusog na pagbubuntis para kay mommy, kay baby at para sa progresibong Puerto Princesa City!

Similar Posts