|

πŒπ€π’ ππˆππ€πˆπˆπ†π“πˆππ† 𝐍𝐀 π’π„π†π”π‘πˆπƒπ€πƒ 𝐀𝐓 πˆπŒππ„π’π“πˆπ†π€π’π˜πŽπ, πˆπ’πˆππ”π’π”π‹πŽππ† πŒπ€π“π€ππŽπ’ 𝐀𝐍𝐆 πˆππ’πˆπƒπ„ππ“π„ 𝐍𝐆 ππ€πŒπ€πŒπ€π‘πˆπ‹ 𝐒𝐀 ππ€π‘π€ππ†π€π˜ πˆπ‘π€π–π€π

#𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧 || 𝐌𝐀𝐒 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐈𝐈𝐆𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀 𝐒𝐄𝐆𝐔𝐑𝐈𝐃𝐀𝐃 𝐀𝐓 𝐈𝐌𝐁𝐄𝐒𝐓𝐈𝐆𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍, 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐔𝐒𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐒𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐄 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐑𝐈𝐋 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐈𝐑𝐀𝐖𝐀𝐍

𝐍𝐨𝐫𝐦𝐚 𝐋𝐲𝐧 𝐃𝐚𝐯𝐞, 𝐂𝐈𝐎 𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚

Nananawagan ng mas pinaigting na seguridad at masusing imbestigasyon kasunod ng insidente ng pamamaril sa Barangay Irawan na ikinasawi ng isang kawani ng Bureau of Corrections at dalawang miyembro ng Philippine National Police.

Sa isinagawang 36th Regular Session ng 18th Sangguniang Panlungsod, tinalakay ang pangangailangan ng mas komprehensibong imbestigasyon upang matukoy ang buong pangyayari at mapanagot ang mga responsable. Kaugnay nito, inihain ang mga panukalang hakbang na naglalayong palakasin ang seguridad lalo na sa antas ng barangay.
Kabilang sa mga inisyatibo ang pagsusuri at pagbuo ng mga karagdagang polisiya ng City Peace and Order Council, pati na ang pakikipag-ugnayan sa Philippine National Police at Department of Justice sa pamamagitan ng National Bureau of Investigation para sa isang independent at transparent na imbestigasyon.

Layunin ng mga hakbang na ito na hindi lamang mabigyan ng hustisya ang mga nasawi, kundi mapalakas din ang mga mekanismo ng seguridad upang maiwasan ang kahalintulad na insidente sa hinaharap.

Para sa mga mamamayan ng Puerto Princesa, inaasahang magreresulta ito sa mas mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng komunidad at kapulisan, mas pinataas na police visibility, at mas sistematikong pagtugon sa mga banta sa kapayapaan at kaayusan.
Sa kabuuan, ang mga hakbang na ito ay nakatuon sa pagpapanatili ng isang ligtas at maayos na kapaligiran, kung saan ang seguridad ng bawat Puerto Princesan ay nananatiling pangunahing prayoridad. #PuertoPrincesaCity #PPCPO #SangguniangPanlungsod

Similar Posts