
Pormal nang pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa, sa pamumuno ni Mayor Lucilo R. Bayron, ang slope protection para sa Maoyon Access Road sa Barangay Maoyon. Ang proyektong ito ay opisyal na sinimulan noong Abril 23, 2026 at pinasinayaan na noong Setyembre 9, 2026.
Ayon sa Office of the City Engineer, ang proyektong Construction of Slope Protection for Maoyon Access Road ay natapos na 45.10% ng mas maaga bago ang itinakdang completion date.
Para kay Mayor Lucilo R. Bayron, mahalaga na matapos nang maaga o nasa oras ang mga isinasagawang infrastructure projects upang agad na mapakinabangan ng mga mamamayan ng Puerto Princesa.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang Barangay Maoyon sa Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa dahil malaking tulong ang ginawang slope protection para sa maayos na daloy ng tubig tuwing may malakas na ulan sa kanilang lugar.
Inauguration: Construction of Slope Protection for Maoyon Access Road
Project Cost: ₱14,075879.80
