WELCOME SA PUERTO PRINCESA, DILG OIC CITY DIRECTOR DENNIS S. BELTRAN

Mainit na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa sa pangunguna ni Mayor Lucilo R. Bayron ang bagong talagang Officer-in-Charge City Director ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Dennis S. Beltran, sa isinagawang flag-raising ceremony nitong Lunes, Hulyo 20, sa New Green City Hall Grounds.

Si Director Beltran, na dating nagsilbi sa DILG Occidental Mindoro, ay nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa mainit na pagtanggap at ibinahagi ang kanyang paghanga sa mataas na antas ng pamamahala sa lungsod. Aniya, kapansin-pansin ang pagkakaisa ng mga opisyal at kawani na kabisado ang Vision at Mission ng lungsod, gayundin ang masiglang kultura ng organisasyon at ang mga ulat ng iba’t ibang departamento na nakatuon sa konkretong aksyon at mahusay na serbisyo publiko.

“Asahan ninyo po, hindi magmamaliw, bagkus ay magiging maigting pa ang pagtulong ng DILG para sa ikagaganda, ikararangal ikauunlad pa ng Puerto Princesa City,” ani City Director Beltran.

Malugod namang tinanggap ni Mayor Bayron ang bagong DILG City Director at nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa ipinakitang suporta at dedikasyon nito sa lungsod.

“Sa ating bagong City Director, Dennis Beltran, welcome to Puerto Princesa. Maraming salamat sa iyong mga binitawang salita ngayong umaga. Lalong sumisigla ang ating mga kasamahan sa Pamahalaang Lungsod dahil sa iyong mensahe,” ani Mayor Bayron.

Muli, maligayang pagdating sa Puerto Princesa City, Director Dennis S. Beltran. Nawa’y maging mabunga ang pagtutulungan tungo sa patuloy na pag-unlad at mahusay na pamamahala para sa lahat ng Puerto Princesan.

#MayorLuciloBayron

#PuertoPrincesa

Similar Posts