
#𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠𝐊𝐚𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬𝐚𝐧 || 𝐌𝐆𝐀 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐚𝐥𝐒𝐔, 𝐇𝐈𝐍𝐀𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐑𝐈𝐒𝐊 𝐑𝐄𝐃𝐔𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐊𝐀𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐏𝐏𝐈𝐍𝐆 𝐓𝐄𝐂𝐇𝐍𝐎𝐋𝐎𝐆𝐘
𝐍𝐨𝐫𝐦𝐚 𝐋𝐲𝐧 𝐃𝐚𝐯𝐞, 𝐂𝐈𝐎 𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚
Pinalakas ang kakayahan at kahandaan ng mga interns mula sa Palawan State University (PalSU) – Bachelor of Science in Environmental Science matapos silang sumailalim sa serye ng pagsasanay sa City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Kabilang sa mga isinagawang pagsasanay ang Disaster Risk Reduction, tamang paggamit ng Geographic Information System (GIS), Hazard Mapping, Normalized Difference Vegetation Index (NDVI) Remote Sensing, pati na ang Drone Mapping at Drone Maneuvering.
Sa pamamagitan ng mga ito, natutunan ng mga interns ang pagtukoy sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng sakuna, pagsusuri ng kondisyon ng kapaligiran at vegetation cover gamit ang satellite imagery, at ang epektibong pangangalap ng datos at imahe mula sa himpapawid—mga impormasyong kritikal sa panahon ng kalamidad.
Layunin ng naturang programa na mahubog ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral upang maging aktibong katuwang ng pamahalaan sa pagsusulong ng mas ligtas, mas handa, at mas matatag na komunidad.
#CDRRMOPPSCity #PuertoPrincesaCity
