|

PCOL DENNIS L. DE LEON, ITINALAGANG BAGONG ACTING CITY DIRECTOR NG PUERTO PRINCESA CITY POLICE OFFICE

#BalitangTandikan || PCOL DENNIS L. DE LEON, ITINALAGANG BAGONG ACTING CITY DIRECTOR NG PUERTO PRINCESA CITY POLICE OFFICE

Opisyal nang naganap ang pagbabago sa liderato ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) sa ginanap na Turnover of Office Ceremony ngayong araw, ika-6 ng Abril, 2026, sa PNP Tandikan, Brgy. San Pedro.

Pormal na itinalagang Acting City Director si PCOL Dennis L. De Leon, kung saan tinanggap niya ang responsibilidad mula kay PCOL Cristine M. Tabdi, ang Outgoing City Director na naglingkod nang may dedikasyon sa lungsod.

Pinangunahan ang naturang pagtitipon ni PBGEN Jovencio S. Badua, Jr., PNP MIMAROPA Regional Director, na nagsilbi ring Presiding Officer ng seremonya. Saksi ang buong hanay ng kapulisan sa paglipat ng tungkulin na naglalayong mas lalo pang pagtibayin ang seguridad at kaayusan sa buong siyudad na ginawaran ring “𝐒𝐀𝐅𝐄 𝐇𝐀𝐕𝐄𝐍” 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃 𝐀𝐓 𝐏𝐇𝐈𝐋𝐈𝐏𝐏𝐈𝐍𝐄 𝐌𝐎𝐃𝐄𝐋 𝐂𝐈𝐓𝐈𝐄𝐒” ng Manila times.

Bilang bagong hirang na Acting City Director, inaasahang magdadala si PCOL De Leon ng mga bagong estratehiya sa pagsugpo ng kriminalidad at pagpapanatili ng kapayapaan sa Puerto Princesa. #PPCPO #PNP #ServiceHonorJustice #PuertoPrincesaCity #TurnoverCeremony

Similar Posts