ππŸ’.πŸ’πŸ— ππˆπ‹π˜πŽππ† π’π”πππ‹π„πŒπ„ππ“π€π‹ πˆππ•π„π’π“πŒπ„ππ“ ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ 𝐍𝐎. 𝟐 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 π‚π˜ πŸπŸŽπŸπŸ”, π€ππ‘π”ππ€πƒπŽ 𝐍𝐀

#𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧 || 𝐏𝟒.𝟒𝟗 𝐁𝐈𝐋𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐋𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋 𝐈𝐍𝐕𝐄𝐒𝐓𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐍𝐎. 𝟐 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐂𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔, 𝐀𝐏𝐑𝐔𝐁𝐀𝐃𝐎 𝐍𝐀

𝐍𝐨𝐫𝐦𝐚 𝐋𝐲𝐧 𝐃𝐚𝐯𝐞, 𝐂𝐈𝐎 𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚

Pormal nang inaprubahan ng Ika-18th Sangguniang Panlungsod sa kanilang ika-36 na regular na sesyon ang kahilingan ng Punong Ehekutibo para sa karagdagang pondo na nagkakahalaga ng P4,492,633,422.15 para sa Supplemental Investment Program (SIP) No. 2 para sa Calendar Year 2026.

Ang nasabing halaga ay sumasaklaw sa mga proyektong inendorso at inaprubahan ng City Development Council (CDC), na binubuo ng mga opisyal ng pamahalaang panlungsod, mga hepe ng tanggapan, 66 na punong barangay, kinatawan mula sa civil society organizations (CSOs), non-government organizations (NGOs), at iba pang sektor.

Tinatayang nasa 182 proyekto ang nakapaloob sa SIP No. 2 na popondohan mula sa aprubadong pondo. Kabilang dito ang mga proyektong pang-imprastraktura tulad ng drainage systems, road networks, farm-to-market roads, mga gusali at iba pang istruktura, land improvements, at pagtatayo ng mga gusaling pampaaralan kabilang ang mga daycare centers. Bahagi rin ng mga ito ang mga proyektong isinumite bilang prayoridad ng mga punong barangay na dumaan sa pagsusuri at pag-apruba ng CDC.

Ayon kay Engr. Jovenee Sagun, City Planning and Development Coordinator, ang implementasyon ng mga naturang proyekto ay inaasahang isasagawa mula taong 2026 hanggang 2032. Sa pag-apruba ng Sangguniang Panlungsod, maaari nang simulan ang pagtukoy at pagpapatupad ng mga prayoridad na proyektong nakapaloob sa programa. #SangguniangPanlungsod #PuertoPrincesaCity

Similar Posts