
#𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧 || 𝐏𝐀𝐍𝐔𝐊𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐈𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐈𝐁𝐈𝐆𝐀𝐘-𝐈𝐍𝐒𝐄𝐍𝐓𝐈𝐁𝐎 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐆-𝐀𝐀𝐑𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐆𝐓𝐀𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐂𝐀𝐃𝐄𝐌𝐈𝐂 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐄𝐓𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍, 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐔𝐒𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐒𝐀𝐍𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐋𝐔𝐍𝐆𝐒𝐎𝐃
𝐍𝐨𝐫𝐦𝐚 𝐋𝐲𝐧 𝐃𝐚𝐯𝐞, 𝐂𝐈𝐎 𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚
Ipinapanukala sa Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa ang isang ordinansa na naglalayong kilalanin at bigyan ng insentibo ang mga mag-aaral ng lungsod na nagtatagumpay sa iba’t ibang pang-akademyang patimpalak sa lokal, rehiyonal, pambansa at internasyonal na antas.
Inihain ang panukala ni Konsehal Victor S. Oliveros bilang pagkilala sa mga kabataang nagbibigay ng karangalan sa lungsod sa larangan ng akademya, at upang magsilbing inspirasyon sa iba pang mag-aaral na paghusayin pa ang kanilang kakayahan at aktibong lumahok sa mga akademikong kompetisyon.
Naipasa na sa unang pagbasa ang naturang panukalang ordinansa na pinamagatang:“𝘼𝙣 𝙊𝙧𝙙𝙞𝙣𝙖𝙣𝙘𝙚 𝙂𝙧𝙖𝙣𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙄𝙣𝙘𝙚𝙣𝙩𝙞𝙫𝙚𝙨 𝙩𝙤 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙚𝙣𝙩𝙨 𝙤𝙛 𝙋𝙪𝙚𝙧𝙩𝙤 𝙋𝙧𝙞𝙣𝙘𝙚𝙨𝙖 𝘾𝙞𝙩𝙮 𝙬𝙝𝙤 𝙀𝙭𝙘𝙚𝙡 𝙞𝙣 𝙇𝙤𝙘𝙖𝙡, 𝙍𝙚𝙜𝙞𝙤𝙣𝙖𝙡, 𝙉𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙖𝙡 𝙖𝙣𝙙 𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙣𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙖𝙡 𝘼𝙘𝙖𝙙𝙚𝙢𝙞𝙘 𝘾𝙤𝙢𝙥𝙚𝙩𝙞𝙩𝙞𝙤𝙣𝙨 𝙖𝙣𝙙 𝘼𝙥𝙥𝙧𝙤𝙥𝙧𝙞𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙁𝙪𝙣𝙙𝙨 𝙛𝙤𝙧 𝙞𝙩𝙨 𝙄𝙢𝙥𝙡𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣.”
Magkakaloob ang pamahalaang lungsod ng cash incentives at certificate of recognition sa mga mag-aaral na makapagtatamo ng panalo sa mga kinikilalang academic competitions.
𝙈𝙜𝙖 𝙄𝙢𝙞𝙣𝙪𝙣𝙜𝙠𝙖𝙝𝙞𝙣𝙜 𝘾𝙖𝙨𝙝 𝙄𝙣𝙘𝙚𝙣𝙩𝙞𝙫𝙚𝙨:
Local (City-wide) Competitions • ₱3,000 – Champion • ₱1,500 – Runner-up
Regional Competitions• ₱5,000 – Champion • ₱3,000 – Runner-up
National Competitions • ₱10,000 – Champion • ₱5,000 – Runner-up • ₱3,000 – Medalist
International Competitions • ₱25,000 – Champion • ₱15,000 – Runner-up • ₱10,000 – Medalist
Bukod sa insentibong pinansyal, makakatanggap din ang mga nagwaging mag-aaral ng Certificate of Recognition mula sa pamahalaang panlungsod bilang pormal na pagkilala sa kanilang tagumpay.
Nakasaad sa coverage at eligibility ng panukala na kinakailangang ang benepisyaryong mag-aaral ay opisyal na kinatawan ng Lungsod ng Puerto Princesa o ng isang paaralang matatagpuan sa lungsod, at may patunay ng kanilang pagkapanalo sa pamamagitan ng opisyal na sertipiko o dokumentasyon mula sa organizing body ng patimpalak.
Sa implementasyon ng programa, inaasahang makikipagtulungan ang City Mayor’s Office, DepEd Schools Division of Puerto Princesa, at ang City Treasurer’s Office upang maisakatuparan ang pagbibigay ng insentibo.
Nakatakda pa itong talakayin sa committee meeting upang higit na mapag-aralan ang mga detalye nito bago ihain para sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa konseho.
Kapag ito ay naaprubahan, sasailalim pa ang ordinansa sa 15-araw na publication requirement sa mga pangunahing pahayagan sa lungsod. Hindi rin ito agad maipatutupad hangga’t hindi nalalaan ang kinakailangang pondo para sa pagpapatupad ng programa.
#SangguniangPanlungsod #PuertoPrincesaCity #AcademicIncentives
