BAGONG TALAGANG DILG PALAWAN DIRECTOR, NAGPASALAMAT KAY MAYOR BAYRON

Nagpasalamat at pormal na nagpaalam kay Mayor Lucilo R. Bayron si bagong talagang Department of the Interior and Local Government (DILG) Palawan Provincial Director Myla B. Panganiban nitong Hulyo 16, 2026, bilang pagkilala sa suportang ipinagkaloob ng alkalde sa City DILG sa panahon ng kanyang panunungkulan sa lungsod.

“Nagpapasalamat po ako kay Mayor (Bayron) kasi ‘yung suporta niya sa DILG at sa mga National Government Agencies na nandito sa Puerto Princesa is very strong,” pahayag ni Provincial Director Panganiban sa isang maikling panayam.

Ibinahagi rin niya na personal niyang nasaksihan kung paano epektibong naipatutupad ng Pamahalaang Lungsod, sa pamumuno ni Mayor Bayron, ang mga programa, proyekto, at aktibidad (PPAs) nito sa 66 na barangay ng Puerto Princesa, na nagsilbing inspirasyon upang magsagawa rin ang City DILG ng sariling inisyatiba sa mga barangay.

“Sinasama niya (Mayor Bayron) kami para makita kung ano talaga ‘yung ginagawa niya on the ground, allowing us na magkaroon din kami ng sarili naming initiative pagdating sa mga barangay,” ani Provincial Director Panganiban.

Nagpapasalamat din si Provincial Director Panganiban sa mga department heads at sa Sangguniang Panlungsod sa kanilang suporta na maging full-fledged City DILG Director siya ng Puerto Princesa noong Mayo 20, 2026.

Nagbigay naman si Mayor Bayron ng Plaque of Recognition kay Provincial Director Panganiban bilang pakilala sa kanyang kahusayan, dedikasyon, at huwarang pamumuno sa pagsusulong ng mga programa at inisyatiba bilang dating pinuno City DILG. Ayon sa alkalde, naging mahalagang katuwang ng Pamahalaang Lungsod ang City DILG sa pagpapatupad ng iba’t ibang proyekto at serbisyo para sa mamamayan.

“Hopefully, lahat ng learnings and experiences na natutunan ko rito sa City Government, I would be able to bring din doon sa Provincial Government naman and the 23 municipalities of Palawan,” dagdag pa ni Provincial Director Panganiban.

#MayorLuciloBayron

#PuertoPrincesa

Similar Posts